Aladdin, naka-P175M sa first five days

by PEP Troika
May 27, 2019

JERRY OLEA: Magical ang word-of-mouth sa musical-fantasy film na Aladdin kaya hindi ako nagtaka na humigit-kumulang sa P175M ang hinamig nito sa unang limang araw (Mayo 22-26, Miyerkules hanggang Linggo) ng pagpapalabas sa Pilipinas.

Swak na swak si Will Smith bilang Genie, na ang pagganap ay nagpugay kay Robin Williams (gumanap na Genie sa 1992 animated movie na Aladdin) subalit kanyang-kanya pa rin ang timpla.

Kaibig-ibig at kakilig-kilig sina Mena Massoud at Naomi Scott bilang Aladdin at Princess Jasmine, respectively.

Aliw na aliw ako sa entrada ni Aladdin alias Prince Ali of Ababwa sa palasyo ng Agrabah, 'tsura ng arrival ni Cleopatra (Elizabeth Taylor) sa Rome nang ipatawag siya ni Julius Caesar (Rex Harrison) sa epic historical drama na Cleopatra (1963).

Wala na akong balita kung ano ang nangyari sa The Last Interview: The Mayor Halili Story na kasabay ng Aladdin na nag-open noong Mayo 22.

Sa Miyerkules (Mayo 29) ay ipapalabas na ang Godzilla II: King of the Monsters.

Continue reading below ↓

Tatlong pelikulang Pinoy ang makikipagsalpukan sa bagong Godzilla movie: Quezon’s Game nina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro, Finding You nina Jerome Ponce at Jane Oineza, at Banal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

GORGY RULA: Katatapos lang ng eleksyon kaya nagmarka sa akin ang isang linya sa Aladdin na, “Steal an apple and you’re a thief. Steal a kingdom and you’re a statesman.”

Ang ganda pa ring pakinggan ang awiting "A Whole New World" na unang pinasikat ni Lea Salonga.

Kaya pagkatapos ni Mark Bautista na mapanood ang pelikulang ito, ipinost niya ang video ng duet nila ni Lea ng naturang awitin.

View this post on Instagram

After watching Aladdin last night,i can’t help but think of @msleasalonga & this very special moment????????#Aladdin

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Nanibago ako rito kay Will Smith, pero nagustuhan ko naman kahit hindi type ng iba.

This week, isang matinding Hollywood film uli ang makakabangga ng mga pelikula natin.

Parang maganda pa naman itong Quezon’s Game, at kaabang-abang din itong Banal ng BiGuel, at gusto ko ring panoorin si Jerome Ponce sa Finding You.

Continue reading below ↓

Sana, may laban sila sa takilya.

May nakausap naman ako na taga-Reality Entertainment na masaya sila sa box-office results ng Kuwaresma.

May pa-blowout pa raw ang ibang staff sa Hong Kong!

NOEL FERRER: Dahil sa appeal nito sa mga bata, nalampasan agad-agad ng Aladdin ang gross ng John Wick Chapter 3: Parabellum sa Pilipinas.

Nakakatakot maglabas ng pelikulang Pilipino ngayon, di ba? Paano na?

Nag-premiere night pa man din ang pelikula ni Bianca Umali, na gusto kong mas sumikat pa dahil ang galing niya sa Sahaya.

Sana may pelikula siyang pumatok at kilalanin pa siya sa kahusayan niya! Sana.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results