GORGY RULA: Na-preempt ang The Boobay and Tekla Show nitong Mayo 26, Linggo ng gabi, dahil ipinalabas ang My Special Love concert nina Ken Chan at Rita Daniela, kung saan pumatok ang tandem nilang BoBrey (Boyet & Aubrey ng My Special Tatay).
Ayon sa AGB NUTAM, nakakuha ang My Special Love ng 5.1%, at natalo nito ang Gandang Gabi Vice na nakakuha naman ng 4.8%.
Pero wagi ang PBB Otso na naka-5%.
Noong araw ring yun ay naungusan ng ASAP Natin ‘To, na may 5.5%, ang Sunday Pinasaya na 4.8% lamang.
Malakas pa rin ang lumang pelikula ng Da King Fernando Poe Jr. na napapanood sa FPJ on ABS-CBN dahil naka-7.4% ito.
Samantala, naka-3% lamang ang katapat na Stories for the Soul ni Manny Pacquiao, at ang The Atom Araullo Specials na 4.1%.
Sayang dahil ang ganda pa naman ng research ni Atom sa mga ibon dito sa atin.
Pagdating ng gabi, wagi pa rin ang TV Patrol ng ABS-CBN na naka-7.2%, samantala 5.7% lang ang 24 Oras Weekend.
Pero wagi pa rin ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-8.5% versus Goin’ Bulilit na 8.2%.
Lumamang naman ang Hiwaga ng Kambat na 10.3%, laban sa Daig Kayo ng Lola Ko na 9.2%.
Mataas pa rin ang Idol Philippines na naka-12.9%, at 9.1% ang Studio 7 na first time nag-live.
JERRY OLEA: Nanguna muli ang Idol Philippines sa weekend ratings, base sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media.
Noong Mayo 25, Sabado, naka-26.3% ang Idol Philippines, kontra sa 16.9% ng Daddy’s Gurl.
Naka-24.3% ang MMK episode nina Pokwang at Allen Dizon, kontra sa 16.5% ng Magpakailanman episode nina Ai-Ai de las Alas at Martin del Rosario.
Noong Mayo 26, Linggo, naka-30.6% ang Idol Philippines, kontra sa 15.2% ng Studio 7.
Naka-14.9% ang Rated K at naka-10.7% ang PBB Otso kontra sa 26.9% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Naka-26.8% ang Hiwaga ng Kambat, kontra sa 18.2% ng Daig Kayo ng Lola Ko (Year 2).
Naka-21% ang Goin’ Bulilit kontra sa 18.6% ng Amazing Earth Featuring The Hunt.
Naka-17% ang Ang Hari FPJ On ABS-CBN (Ako Ang Huhusga) kontra sa 7.9% ng The Atom Araullo Specials ("Bird Hunt").
Naka-11.9% ang ASAP Natin ‘To kontra sa 8.9% ng Sunday Pinasaya, at 8.8% ng Dear Uge.
Naka-9.8% ang Gandang Gabi, Vice kontra sa 6.4% ng SNBO (My Special Love: BoBrey in Concert).
NOEL FERRER: Napanood ko yung "Bird Hunt" episode ng talent naming si Atom Araullo sa The Atom Araullo Specials.
That episode plus yung nagawa rin nilang "Babies4Hire" may be our best entries to the mga docu festivals and international awards so far.
Sana mas marami pang makapanood at tumangkilik ng ganitong mga panoorin sa TV.
Totoo kaya ang bali-balitang baka magbago ng format ang Rated K para makaagapay sa consistent na lamang ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa ratings?
Again, sabi ko sa inyo, networks can claim supremacy sa mga ratings.
Ang inaabangan ko talaga at pinapalakpakan ay ang efforts para lalo pang humusay at mapaunlad ang mga panoorin natin sa TV because we deserve nothing less.