Ratings ng The General's Daughter, apektado ng sagutan nina Angel at Jimmy?

by PEP Troika
May 27, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Mayo 22, Miyerkules ng 4 P.M., nang i-post ni Jimmy Bondoc sa Facebook ang tirada niya laban sa “biggest TV network” na aniya ay isang “snake pit.”

Mayo 23, Huwebes ng umaga, nang mag-tweet si Angel Locsin kaugnay sa usaping ito.

May round 2 ang kanilang balitaktakan.

Polarizing ang pasabog ni Jimmy, na umani ng batikos.

Sandamukal din ang umalipusta kay Angel at nagsabing babagsak na ang The General’s Daughter (TGD).

Unti-unti bang lumalagapak sa ratings ang teleserye ni Angel dahil sa matapang na pagpalag niya sa payanig ni Jimmy?

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, noong Mayo 20, Lunes, ay 34.1% ang TGD kontra sa 18.2% ng Sahaya.

Noong Mayo 21, Martes, ay 32.9% ang TGD kontra sa 18.2% ng Sahaya. Noong Mayo 22, Miyerkules ay 33% ang TGD kontra sa 18.2% ng Sahaya.

Noong Mayo 23, Huwebes, ay 31.5% ang TGD kontra sa 18.2% ng Sahaya.

At noong Mayo 24, Biyernes, ay 28.5% ang TGD kontra sa 17.1% ng Sahaya.

Continue reading below ↓

Nananatiling No. 1 sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, at No. 2 pa rin ang teleserye ni Angel.

NOEL FERRER: Sa pananaw ko, walang kinalaman ang balitaktakan nina Angel Locsin at Jimmy Bondoc sa ratings ng The General’s Daughter.

Sana lang, makahanap ng common ground at goodwill para maayos ang lahat.

Iba lang kasing animal ang social media.

Imbes na may space na matuto at magpatawad, lalo itong nakakapagdiin ng kung anumang emosyon na gustong paigtingin.

Sana may pagkakataon pa para maayos ang lahat.

GORGY RULA: Babala ni Jimmy sa FB nitong Mayo 26, Linggo ng umaga, tanghali at gabi, panoorin kung paano DURUGIN at WASAKIN ng network ang buhay niya.

“Learn! Ok lang ako mawasak! But please, LEARN!!” panawagan ni Jimmy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results