Gardo Versoza, sinorpresa ang longtime partner sa kanilang kasal

by PEP Troika
May 27, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Gardo Versoza

GORGY RULA: Masaya si Gardo Versoza na ikinuwento sa PEP Troika nitong Mayo 27, Lunes ng hapon, na successful ang sorpresa niyang wedding sa asawa niyang si Ivy Vicencio.

Walang ideya si Ivy na naghahanda si Gardo ng kasal nila sa isang event ng kanilang Bike group noong Mayo 18, Sabado, sa El Kabayo sa Clark, Pampanga.

Noong nakaraang February nag-propose si Gardo kay Ivy, pagkatapos nilang magsama ng 13 years at nabiyayaan ng isang anak na lalaki.

Sabi ni Ivy, hindi nila naplano pa ang wedding, yun pala may inaayos na si Gardo na surprise sa kanya.

“Ngayon ko na naisip ang wedding, kasi 50 na ako, e.

"Gusto ko na rin na settled na talaga kami, yung legal na talaga ang pagsasama namin," pahayag ni Gardo.

“After ng proposal, gusto ko talagang ma-surprise siya sa wedding, kaya ako na rin ang wedding planner,” napapangiting saad ni Gardo.

Sa Aglipayan Church ang seremonya ng kanilang wedding.

Continue reading below ↓

Hindi kasi pumayag ang Catholic church na idaos ang wedding doon sa venue.

Kaya gusto pa rin niyang magkaroon sila ng church wedding na baka next year nila gagawin.

“Inis na inis siya [Ivy] dahil wala talaga siyang alam na magpapakasal kami, hindi man lang daw siya nakaayos.

"Kaya ganoon ang suot namin, kasi isinabay ko lang sa event ng Bike group namin,” dagdag na kuwento ng aktor.

Continue reading below ↓

Hindi gaanong nag-invite si Gardo ng mga taga-showbiz at baka makarating ito sa asawa niya.

Sina Nora Aunor at Jo Berry lang na kasama niya sa Onanay ang inimbita niya.

Si Jo Berry ang unang nakaalam pero may shooting siya sa araw na yun, kaya hindi ito nakadalo.

Si Nora ay surprise din sana niya sa mga kasamahan niyang bikers, pero hindi rin nakarating.

“Ako pala ang na-surprise!” natatawang kuwento ni Gardo, na parang sanay na sa Superstar.

Kaya okay lang daw kung hindi ito nakarating.

JERRY OLEA: Late si Nora sa kasal nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

Waley ang Superstar nang ikasal sina Matet de Leon at Ian de Leon, pati sa wedding ni Lotlot sa second husband niya.

Kaya OK lang na hindi nakarating si Ate Guy sa pag-iisang dibdib nina Ivy at Gardo.

In fairness, base sa pictures, kahit kaswal-kaswalan ang ayos ng bagong kasal ay nababakas sa kanila ang “look of love.”

Continue reading below ↓

Hindi sila mukhang haggardo versoza.

NOEL FERRER: May suwerteng dala si Gardo kasi aside from his exposure sa FPJ’s Ang Probinsyano, mayroon siyang isa pang teleserye sa ABS-CBN.

Bale, happiness at home extends to happiness at work kay Gardo. Ilan lang sa mga taga-showbiz ang nakakagawa niyon.

Pinagpala sila at pinahahalagahan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Gardo Versoza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results