Kris Bernal, Megan Young, Thea Tolentino, Gabbi Garcia bibida sa mga bagong Kapuso drama series

IMAGE Kapuso Girl Instagram


NOEL FERRER: Magsasama-sama ang nag-tie na FAMAS Best Actors na sina Eddie Garcia at Victor Neri sa isang primetime teleserye sa Kapuso network with Gabbi Garcia and Thea Tolentino.

Kasama rin sa cast sina Gil Cuerva, Kristoffer Martin, Jeric Gonzales, Celia Rodriguez, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Betong Sumaya, at Luz Valdez.

Itong bagong soap na ito ay sa direksiyon ni Direk Toto Natividad.

Over at the Kapamilya network naman, may bago ring teleserye na nag-storycon kahapon with a new combination topbilled by Maja Salvador.

With this project, tuluyan nang pinaghiwalay ang isang love team dahil ang lalaking bida ay isang magaling na batang aktor na ipapares sa isang batang aktres na kahihiwalay sa boyfriend niya.

This soap is to be directed by Dado Lomibao.

At kung may Eddie Garcia sa Kapuso, may Eddie Gutierrez naman sa Kapamilya.

Nakausap ko si Tito Eddie Gutierrez kahapon at excited siya sa pagiging Icon Awardee sa Eddys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, tuluy-tuloy lang ang paggawa ng mga bagong shows kahit medyo puno ang line-up ng mga teleserye.

Abangan na lang natin kung kailan sila eere.

GORGY RULA: Rosang Agimat ang working title ng drama series na pagsasamahan nina Gabbi Garcia at Thea Tolentino.

Ibang kumbinasyon naman ito ngayon pagkatapos mag-hit ang The Half Sisters noon nina Thea at Barbie Forteza.

Bukod kina Eddie Garcia at Aiko Melendez, na kagagaling lang sa ABS-CBN, ang alam kong inaayos na babalik din ng GMA-7 ay si Amy Austria.

Hindi ko pa alam kung anong drama series ang gagawin niya.

May mga bago pa kasing teleserye na binubo ang Kapuso network, at meron din daw nilulutong pagsasamahan uli nina Liza Soberano at Enrique Gil sa Kapamilya network naman.

Pero may mga bagong kumbinasyon ding susubukan.

Pero teka, ilalabas pa ba ang Starla? Matutuloy pa ba ang paglipad ni Darna?

JERRY OLEA: May bagong Kapuso series ding pagbibidahan nina Megan Young, Kris Bernal, at Kim Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama nila sa cast sina Rayver Cruz, Sharmaine Arnaiz, Francine Prieto, at Boots Anson Roa.

Marami tayong aabangan! Basta malinaw, hindi pa bubuwagin ang LizQuen!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN