Joshua Garcia at Julia Barretto, break na?

by PEP Troika
May 29, 2019
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram

NOEL FERRER: Break na ba sina Joshua Garcia at Julia Barretto?

Honest na tanong ito, ha, mula sa isang tagahanga ng kanilang teamup na JoshLia.

After nilang maging close sa nanay kong Megastar Sharon Cuneta sa Unexpectedly Yours, at magbida sa teleseryeng Ngayon at Kailanman, at pelikulang I Love You, Hater, nalulungkot ako sa bulung-bulungan sa paligid na break na raw ang dalawa.

Puwede namang nagkaroon lang sila ng separate projects, like Julia Barretto being partnered with Gerald Anderson in Between Maybes, and now Joshua being paired with different leading ladies in a special ABS-CBN teleserye coming soon.

At heto pa, meron pa silang zombie film na kaabang-abang din, ang Block Z.

Oh well, whether true or not... kung professional breakup lang o sa totoong buhay, I shall keep watching them because they have evolved into very good actors na, sa tingin ko, mas gagaling pa!

JERRY OLEA: Just recently, naghimutok si Dennis Padilla (tatay ni Julia) na kesyo hindi nagri-reach out sa kanya si Joshua.

Continue reading below ↓

Bad shot si Joshua sa kanya.

Nag-text daw si Dennis kay Joshua, at nagtangkang tumawag pero wala, wala, wala. Deadma lang.

E, gusto lang naman daw mangumusta ni Dennis sa young actor.

Kung break na sina Joshua at Julia, para ke pa na makipagkumustahan si Joshua kay Dennis?

GORGY RULA: Baka break na nga silang dalawa?

Pero kung totoong break na, hindi ba sila puwedeng magsama para lang sa kanilang love team?

Parang ang aga pa kasing buwagin ang love team nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @garciajoshuae on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results