KathNiel, AlDub, JaDine, LizQuen, JoshLia may hatak pa rin sa takilya?

by PEP Troika
May 29, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films

JERRY OLEA: Kumusta na kamo ang KathNiel, AlDub, LizQuen, JaDine, at JoshLia?

Pinakamalakas na movie last year ang The Hows Of Us ng KathNiel.

After that, hiwalay muna ang tambalan nila.

Lumabas si Kathryn Bernardo sa Three Words to Forever with Tommy Esguerra, and then gumawa ng Hello, Love, Goodbye with Alden Richards.

Ikinakasa na ang block screenings ng KathDen movie.

Usap-usapang may horror movie na gagawin si Daniel Padilla kasama si Charo Santos.

Kase-celebrate lang ng KathNiel ng 7th anniversary.

Ang AlDub Nation ay nagdiriwang pa rin ng weeksary tuwing Huwebes.

Pero meron nang fans ang ArMaine. Ipinakilala na ni Arjo Atayde si Maine Mendoza sa kanyang pamilya.

Sa Hulyo 16 ay anniv muli ng AlDub.

So far, pinakamalakas na local movie this year ang Valentine offering ng LizQuen.

May pagsasamahang bagong proyekto sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Wagi sa critics ang pelikulang Never Not Love You ng JaDine.

Umani ng pagkilala si Nadine Lustre, na nagbida sa pelikulang Ulan katambal si Carlo Aquino.

Judge si James Reid sa Idol Philippines.

Hindi pa masimulan ang movie ni James na Pedro Penduko: The Legend Begins kung saan tampok si Nadine bilang Mariang Makiling.

Bumida ang JoshLia sa pelikulang I Love You, Hater last year.

Gumawa si Julia Barretto ng pelikulang Between Maybes katambal si Gerald Anderson.

May zombie movie si Julia with Joshua Garcia, ang BlockZ.

May sarili ring project si Joshua minus Julia.

NOEL FERRER: Huhusgahan ngayon ang BiGuel loveteam kung mayroon silang paying fans with the showing of their film, Banal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tingnan natin kung tutulungan ng fans sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix upang magkaroon ng movie persona or sadya kayang pang-TV lang sila?

Samantalang ang ibang love teams ay nakakatawid from TV to movies without losing their clout, aside from their screen persona, the right project and timing really matter.

Nakakatakot lang dahil kahit anong pelikulang Pilipino ang ipinapalabas ngayon ay parang so-so na dumaraan lang, at hindi kumikita.

Ganun din kaya ang kasasadlakan ng Quezon’s Game with Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro.

Isang malaking good luck!

GORGY RULA: Napapansin ko sa ilang producers natin ngayon, nagtitipid na sila sa promo ng mga pelikula nila.

Naramdaman na ba nilang hindi sapat ang matinding promo para kumita ang pelikula?

Basta tuluy-tuloy lang ang pagpu-produce, titipirin ang production hanggang sa promo.

Kagaya nitong Banal ng BiGuel, hindi gaanong namalayan, ipalalabas na pala.

Ang Finding You na magkatambal sina Jerome Ponce at Jane Oineza, ibinubuhos na lang sa social media ang promo at todo-tipid na sa ibang promo.

Ganoon na lang talaga ang puwedeng gawin para hindi malugi nang husto.

Ang mahalaga, nakakapag-produce pa rin ng mga pelikula ang malalaki nating film productions.

Sa mga nagbukas ngayong linggo, una kong panoorin ang Banal dahil curious ako sa sinasabi ng ibang nakapanood na magaling si Bianca Umali sa pelikulang ito.

Sana tangkilikin din ang Finding You at Quezon’s Game.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results