Marlou Arizala meets Marga of Kadenang Ginto

IMAGE Facebook


JERRY OLEA: Bumalik na si Marlou Arizala (dating Xander Ford) sa Star Image Artist Management.

Nitong Mayo 28, Martes ng hapon, ipinost ng Star Image sa Facebook ang dalawang litrato na katabi ni Marlou si “Marga,” karakter ni Andrea Brillantes sa Kapamilya afternoon series na Kadenang Ginto.

Ang pasiklab na caption: “Hi Marga, take me to your heart charot! Intayin ko talaga ito sa tamang panahon..”

Kayo, hihintayin ba ninyo ang tambalang MarMar?

Siyanga pala, kasama si Andrea sa BiGuel movie na Banal, produced by APT Entertainment, directed by Peter Abanna.

May mga Peter Abana (single “n”) sa Facebook, pero walang Peter Abanna.

Maging sa Google, Instagram, at Twitter ay waley!

The who si Peter Abanna? Pseudonym ba ito ni Direk Mike Tuviera?

Graded B ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang Banal, na inspired ng true events.

Kung ano’t ano man, sana’y panoorin ni Marlou ang Banal movie ni Marga/Andrea. Alang-alang sa MarMar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GORGY RULA: Gimmick na naman ito ng Star Image na hindi na dapat patulan.

Nakakalungkot lang na hindi maganda ang first day of showing ng Banal sa 15 theaters sa Metro Manila, at 34 theaters sa provinces.

Ang tantiya ng aming source, hindi pa aabot ng P500,000 ang first-day gross nito.

Medyo okay pa raw ang Quezon's Game.

NOEL FERRER: Totoo ba ito? Talaga lang, Marlou? Next item, please...


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN