Jameson Blake, hihigitan ang ginawa ni Tony Labrusca sa Glorious

by PEP Troika
May 29, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: Isang palaban na Jameson Blake ang bumungad sa amin sa look test at sensuality workshop nila ng leady lady niya at alaga nating si Iza Calzado.

Their mini-series titled 400 Miles is set to start shooting next week.

Dati pa nagbibiro kay Iza si Jameson at fans nitong may kakaibang chemistry sila at isang araw ay magkakaroon sila ng May-December affair... at ito na nga yun.

Isang iWant mini-series ito ng journey ni Emily (character ni Iza) na parang dumaan sa isang “Eat. Pray. Love” experience.

Listen in to our exclusive interview at maririnig ninyo kung gaano kapalaban si Jameson sa mga daring at sensual scenes nila ni Iza.

Wala rin siyang qualms sa nudity dahil nagawa na niya yun sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4Gotten (2016) sa Cinema One Originals.

“With my natural connection with Miss Iza, I think I can even surpass and go beyond what Tony Labrusca was able to do with Miss Angel Aquino in Glorious.

Continue reading below ↓

"Depende na lang yun sa material," sabi ni Jameson, na nakakaaliw pala at charmingly guwapo sa personal.

Bet ba ninyong magpaka-cougar kay Jameson?

JERRY OLEA: Sa Kapamilya primetime teleserye na A Love To Last, in love si Fort (Jameson Blake) kay Chloe (Julia Barretto) na anak ni Grace (Iza Calzado).

Excited ako sa tambalang Iza at Jameson.

Sa 2nd Pista ng Pelikulang Pelikula last year, pinakagusto ko ang pelikula nina Jameson at Sue Ramirez na Ang Babaeng Allergic sa WiFi.

Nagustuhan ko rin naman sa PPP 2018 ang Bakwit Boys at Signal Rock.

Iyong video clip ng paghuhubad ni Jameson sa 2 Cool 2 Be 4Gotten ay pinagpiyestahan sa socmed, partikular sa Twitter.

Inaasam ko na ang kapangahasan ni Jameson sa 400 Miles ay milya-milya ang layo sa Glorious pasiklab ni Tony Labrusca.

GORGY RULA: Si Jameson ang isa sa pinakamagaling na young actors sa ngayon.

Ma-intimidate kaya siya kay Iza? O makikipagsabayan siya sa galing ng aktres?

Continue reading below ↓

Mukhang pinapalakas na yata nang husto ang iWant TV.

Dagdag na projects pa ito sa mga Kapamilya artists.

Sana kumuha rin sila ng mga artista sa kabilang istasyon, dahil ang pagkakaintindi ko, hiwalay naman ito sa ABS-CBN.

Tama ba ako, Sir Noel?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results