Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mga lumang tao?

IMAGE Kathryn Bernardo Instagram


JERRY OLEA: Mayo 19, Linggo, sa Parañaque nag-last shooting day sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng movie nilang Hello, Love, Goodbye.

Noong araw ring iyon ay nag-ASAP Natin ‘To si Daniel Padilla, at nag-guest sa isang show sa World Trade Center.

Mayo 20 umalis pa-Morocco ang KathNiel kasama ang ilang close friends.

Nitong Mayo 29, Miyerkules ng gabi, ay umuwi sa bansa ang KathNiel. Sinundo sila ni Tita Min, ina ng young actress.

“Mahilig sila sa magagandang sceneries kaya nag-explore po sila sa Morocco,” kuwento ng kaibigang Ogie Narvaez Rodriguez, na close sa mag-inang Bernardo.

“Mayo 20-29 ang bakasyon nila pero mahigit two days ang travel time back and forth.

“Nag-celebrate sila ng 7th anniversary noong Mayo 26, kasabay ng 2nd anniv ng Kathnails by KCMB Nail Salon & Spa.

“Marso 26 ang birthday ni Kath, April 26 naman ang kay Daniel. Kaya importante sa kanila ang number 26.

“Ang tawag ng friends nila sa dalawa, mga ‘lumang tao.’ Kasi, mahilig sila sa historical places, mga lumang lugar, lumang songs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Post ni Kathryn nitong Mayo 30, Huwebes ng tanghali, sa IG: “Back in Manila but my Instagram’s still in Morocco! Flooding you with lots of photos today. You were warned.”

View this post on Instagram

Back in Manila but my Instagram’s still in Morocco! Flooding you with lots of photos today. You were warned. ????

A post shared by Kathryn Bernardo ???? (@bernardokath) on

Siyanga pala, nasa Netflix na ang Kapamilya fantaseryeng La Luna Sangre (2017) na pinagbidahan nina Kathryn at Daniel.

Ninety-three episodes ito. Bawat episode ay 45-49 minuto ang running time.

GORGY RULA: Nakakatuwa ang relasyon ng KathNiel.

I’m sure, may mga pinagdaanan din silang dalawa, dahil hindi perfect ang isang relasyon.

Pero mukhang marunong silang magdala at tahimik lamang sila.

Curious lang ako kung anong suportang ibibigay ni Daniel sa pelikula nina Kathryn at Alden.

Kung end of July na ang playdate nito, magiging visible pa rin kaya silang dalawa? O medyo lie low muna? Kasi, kailangang mag-focus din sa KathDen tandem.

Sana maging solid ang suporta ng KathNiel fans sa Hello Love Goodbye.

NOEL FERRER: KathNiel still holds the record of being the box-office loveteam via The Hows Of Us. Mahirap pa ring pantayan yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ma-sustain nila ang kanilang box-office draw at maitaas pa ang kanilang artistic excellence together or apart (pero sana, together), susuportahan pa rin natin sila.

May lugar na sila sa Philippine entertainment industry. Sana maayos nila kung anuman ang kanilang pinagdaraanan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN