Pinoy films na tumapat sa Godzilla II, luhaan sa box office


JERRY OLEA: Umaatikabo ang bakbakan ni Godzilla at ng archenemy niyang si King Ghidorah sa pelikulang Godzilla II: King of the Monsters (2019).

Si King Ghidorah ay dragon na tatlo ang ulo, dalawa ang buntot, at may mga pakpak na kagaya ng sa paniki.

Sa unang round ng salpukan ay kinabog ni King Ghidorah si Godzilla, kaya siya ang naging Alpha sa lipon ng mga halimaw na kung tawagin ay Titans.

Naghari-harian si Ghidorah at sumusunod sa kanyang utos ang iba pang monsters.

Sa tulong ng mga tao ay nakabawi ng lakas si Godzilla at nagtagisan silang muli ni King Ghidorah.

Dalawang oras at 18 minuto (2 hours 18 minutes) ang running time ng pelikula, at may mga parteng nakakabugnot.

May moment ang kaiju na si Mothra, maging ang daikaiju monster na si Rodan.

Itong Godzilla II: King of the Monsters ay ika-35 pelikula sa Godzilla franchise, na nag-umpisa noong 1954. Ang kalaban dito ni Godzilla ay halimaw na tatlo ang ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa takilya ng Pilipinas ay tatlong pelikulang Pinoy ang kasabay nitong nag-open nitong Mayo 29, Miyerkules: Quezon’s Game nina Raymond Bagatsing at Rachel Alejandro; Finding You nina Jerome Ponce at Jane Oineza; at Banal nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

NOEL FERRER: Hataw si Godzilla sa takilya.

Nang tanungin ko ang mga contact natin sa mga sinehan about the first day box-office takes ng mga pelikulang Pinoy na nagbukas kahapon, ang sagot ng ating informant, “Quezon’s Game is a little lower than average but it can still be retained sa theaters.”

Sa Finding You at Banal, major crying face emoji ang inilagay na comment ng aming contact.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN