Jimmy Bondoc, nagpapalamig sa Baguio matapos ang isyu sangkot ang ABS-CBN

by PEP Troika
May 31, 2019
PHOTO/S: Jimmy Bondoc Facebook

GORGY RULA: Naka-leave muna si Jimmy Bondoc sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil gusto niyang makasama ang pamilya niya sa pagdiriwang ng kanyang 44th birthday, ngayong Mayo 31, Biyernes.

Nagpapalamig si Jimmy sa Baguio City, pero kahit nasa bakasyon, patuloy pa rin siya sa pagpu-post sa Facebook ng opinyon sa isyung pinasabog niya sa "biggest TV network" na tinawag niyang "snake pit."

Binati ko siya kaninang umaga ng “Happy birthday!” Tinanong ko na rin kung masyado bang personal ang kanyang birthday wish o puwede ko bang isulat ito.

Sagot niya sa akin (published as is):

“Tutal, uso ang Aladdin, 3 ang panalangin ko na wala ang ama ko sa mundo, sana ay yakapin siya ni Lord at iluklok sa Kanyang tabi habambuhay, habang pinapatnubayan Niya kaming naririto pa sa mundo.

“Para sa bayan naman, sana kahit masira na akong tuluyan sa issue na ito ay kasama ko na ring mawala ang Malicious at Fake news sa Media, dahil iyan ang tunay na sanhi ng di pagkakasunduan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Huli, I hope we do not just wish for peace, but WORK for peace. FIGHT for peace. The first step is to make sure that the TRUTH always prevails.”

Dagdag pa niyang text: “Salamat sa lahat sumusuporta sa akin sa bagyo na ito. Tumitila na.

“Mabuti na lang at may katulad ninyo na nakikinig sa magkabilang panig.

“I wish for my friends and enemies the same thing—peace of mind, and the fear of the Lord. Love you all!!”

Muling nilinaw sa amin ni Jimmy na itong mga ipinu-post niya sa Facebook ay wala raw kinalaman sa trabaho niya bilang vice president for Corporate Social Responsility ng PAGCOR.

NOEL FERRER: Happy birthday, Jimmy!

Magkasalungat man ang aming panig sa politika, nananatili ang respeto namin sa isa’t isa. Malapit din ako sa pamilya niya—kay Tita Belay at kay Johnny na kapatid niya—because of our Ateneo connection.

This Baguio trip may be a good time for him to reflect on the things that are happening to him.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ang sabi nga niya sa interview niya, hindi siya nawawalan ng GRATITUDE.

I hope nananatili iyun at ang paggalang talaga. Erase ang hatred! Level up sa pakikipag-usap para may unawaan. Sana!

JERRY OLEA: Tumitila na ang bagyo habang siya ay nasa Baguio.

Signal number ano ba ang nasabing bagyo? Nawarat ba o nadurog ang reputasyon ng birthday boy?

Sa tuwi-tuwina ay may dumarating na bagong bagyo, at harinawang maging handa tayo, lalo na sa super-bagyo.

Makabuluhang kaarawan, Jimmy Bondoc!

Read Next
Read More Stories About
Jimmy Bondoc, ABS CBN
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jimmy Bondoc Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results