SM Cinema, gustong i-boycott ng ilang netizens dahil sa "no outside food" policy

by PEP Troika
Jun 3, 2019

JERRY OLEA: Matagal na ang “No Outside Food & Drinks” policy ng SM Cinema.

Patakaran ng SM Cinema na iyong mga pagkain at inumin na binili sa kanilang Snack Time lang ang puwedeng ipasok sa loob ng sinehan.

Bahagi ng himutok ng netizen na si John Winkle Wong sa Facebook, bago maghating-gabi noong Sabado, Hunyo 1:

"A lot of paying customers were stopped from the cinema entrance and was asked to surrender the food they bought IN THE MALL or eat it outside quickly.

"A hungry lady who bought nachos was asked to leave it at the entrance...

"It annoyed me so much when I literally saw a lola who was denied her bottled drink just because she purchased it from SM Hypermart and not in Snack Time...

"Some people requested for a refund of their tickets but all they can give is a movie voucher.

"Why would you deny customers their own choice of comfort food while they enjoy a movie they paid for?

Continue reading below ↓

"Why would you also block other food establishments from making a sale?"

Nanawagan si John Winkle Wong na iboykot ang mga sinehan ng SM.

Umayon dito ang FB friends kong sina Direk Jose Javier Reyes at actor-director Perry Escaño.

Humigit-kumulang 36 oras ang lumipas, nag-post ang SM Cinema sa kanilang FB page nitong Hunyo 3, Lunes nang tanghali:

Continue reading below ↓

"Due to complaints we received from some guests, kindly refrain from bringing in food and drink such as:

"1. Rice and Pasta Meals

"2. Alcoholic and Non-Alcoholic Beverages in glass, bottles and can

"3. Food items with sauces (such as vinegar, fish sauce, soy sauce)

"4. Food on stick

"We encourage our guests to bring Snack Time food and drinks inside cinema.

"We ask for your kind understanding on the matter.

“Thank you.”

NOEL FERRER: Kausap ko ang mga taga-SM at matagal na raw nilang rule iyan!

I saw the posts of directors Joey Reyes, Mark Meilly, Lore Reyes—iyong iba went as far as calling for the boycott of SM.

We are a free country. We are free to decide where we watch our movies.

Let us see kung ano ang impact nito sa mga theater-going public lalo na sa mga pelikulang Pilipino, na paunti nang paunti ngayon.

GORGY RULA: Matagal nang ipinapatupad iyan sa SM cinemas na pinanggigilan ko talaga.

Continue reading below ↓

Nakahanda na akong makipagtalakan sa kanila kapag may dala akong pagkain na hindi binili sa Snack Time nila.

Pero mabuti na lang, nakakalusot ako. Hindi nila napapansing pagkain ang nasa loob ng supot na bitbit ko.

Minsan, may mga chips akong dala sa loob ng bag. Kaya tuwang-tuwa akong nalulusutan ko sila.

Pero, di ba, labag sa karapatang pantao iyang diktahan ka kung ano ang gusto mong kainin habang nanonood ka ng sine na binayaran mo naman ang ticket?

Kung hindi nakakaabala sa katabi mo ang dala mong pagkain, bakit nila ipagbabawal sa 'yo yan?

Nabasa ko ngayon ang huling post ng SM Cinema sa kanilang Facebook account, hindi pa malinaw kung ina-allow na nila ang mga pagkaing hindi binili sa kanilang Snack Time.

Siguro, para makaiwas na lang sa pagkairita at kahihiyan, sa ibang mall na lang tayo manood.

Yan na ang ginagawa ko ngayon.

Read Next
Read More Stories About
SM Cinema
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results