Arron Villaflor, naiinggit sa sexy roles nina Tony Labrusca at Jameson Blake?

by PEP Troika
Jun 3, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Matapos mag-butt exposure sa Cinema One Originals movie na Mamu, And A Mother Too last year ay handa na si Arron Villaflor sa mas mapangahas na pagganap.

Bet niyang lumabas sa mala-Glorious digital movie na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Pero sa horror movie na Clarita, ang papel ni Arron ay isang pari.

"Sobrang bago para sa akin to portray a priest. And it’s very challenging for me to play this kind of character," matamang lahad ni Arron.

"Kasi, yung mga ginagawa ko na past few projects, challenging naman. But this is kind of special for me."

Nakapanayam namin si Arron sa mediacon ng Clarita, nitong Hunyo 2, Linggo ng gabi, sa Victorino’s restaurant, 11th Jamboree St., Quezon City.

Dagdag na kuwento ni Arron, "May specific movements, may specific gestures ang pari lalo na at nagmimisa.

"I asked Direk, 'Direk, what if kung gagawin ko siya na ganito, ganyan?' Direk is open to suggestions naman.

Continue reading below ↓

"And if it’s legit naman, and it’s real, and it can be shown in reality, why not? Sasabihin ni Direk, 'Ganun, ganun.'

"Basta, kailangang ang kilos mo, proper. Pati pagsasalita mo, proper din.

"At ang isang pinaghandaan ko rin sa pelikulang ito, siguro itong buhok ko!" natatawang sambit ni Arron.

Nagpapasalamat si Arron dahil bukod sa "guidance" ni Direk Derick Cabrido ay hinayaan siya nitong bigyang-buhay ang kanyang karakter sa pelikula.

"Pinauso ko uli iyong Keempee," pagtukoy ni Arron sa sikat na '90s hairstyle na ang hati ng buhok ay sa gitna.

"Thanks to Sir Keempee de Leon. Hahaha!

"Para lang maiba, kasi yung mga past projects ko, short hair ako doon.

"So, sabi ko kay Direk, 'Direk, palitan natin. Mag-iiba ako ng buhok dito.'"

Mala-Glorious ang iWant series na 400 Miles, na pagbibidahan nina Jameson Blake at Iza Calzado.

Nainggit ba si Arron na si Jameson ang nabigyan ng ganitong project?

Continue reading below ↓

"Hindi naman sa naiinggit ako, but I would love to be given that kind of project," kaswal na pahayag ni Arron.

"At gagawin ko talaga iyon dahil 28 na ako! Hahaha!

"Di ba? Parang sa akin, basta ibato niyo lang sa akin ang something new.

"All the time naman, e. Ready ako!"

Inaasam ni Arron na matuloy ang sequel ng Mamu, And A Mother Too.

NOEL FERRER: Kasabay ng pagma-mature ni Arron ang paghahangad niya ng more challenging projects.

Baka kaya mas nabibigyan ng sexy roles sina Jameson at Tony ay dahil hindi pa ganoon ka-awkward ang edad at image nila, at puwede pa silang pagmukhaing bata.

Si Arron has played character roles na gigil at edgy siya—kaya kailangang ikundisyon pa ang manonood na puwede siyang maging desirable bida na puwedeng mabait at simpatiko pa rin.

Pero aabangan ko ang Clarita, hindi lang para kay Arron, kundi for Jodi Sta. Maria and their director na kaibigan ko na si Derick Cabrido.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Pabata nang pabata na ang mga aktor na gustong magpaka-daring.

Pero kaya pa naman makipagsabayan ni Arron.

Kaya lang, parang nabawasan ang yummy look niya sa long hair niya ngayon. Mas guwapo siya sa short hair niya dati.

JERRY OLEA: Ang pelikulang Clarita ay inspired ng mga totoong pangyayari sa buhay ni Clarita Villanueva, ang unang naitalang kaso ng diabolical possession sa Pilipinas.

Taong 1953 naganap ang pagsapi kay Clarita.

Maliban kina Arron at Jodi, nasa cast din ng pelikula sina Ricky Davao, Romnick Sarmenta, Alyssa Muhlach, Nonie Buencamino, Angeli Bayani, at Che Ramos.

Mapapanood ito sa mga sinehan umpisa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results