Aicelle Santos at Randy Santiago, magsasama sa Rak of Aegis

by PEP Troika
Jun 4, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: It’s final, Aicelle Santos returns to the 7th Season of Rak of Aegis!

At makakasama niya ang OPM Icon na si Randy Santiago in his theater comeback after playing major roles in Pippin, Godspell, and Grease simula pa noong nasa La Salle siya 40 years ago.

Save the date: July 19, Friday, at 8 P.M..

Makakasama ni Aicelle ang iba pang cast members na kinabibilangan nina Jerold Napoles, Pepe Herrera, Kim Molina, Kakai Bautista, Myke Salomon, Poppert Bernadas, Jimmy Marquez, Renz Verano, Sweet Plantado-Tiongson, Rody Vera, Isay Alvarez, Robert Seña, at marami pang iba.

Aside from Randy, kasama rin sa bagong cast sina Jenine Desiderio, Noel Cabangon, Leah Patricio, Derrick Monasterio, pati na ang Wishcovery na si Kimberly Beluzo.

You can buy your tickets (lalo na sa performance ni Kuya Randy sa July 19) sa Ticketworld at 8919999.

GORGY RULA: Di nakakasawang panoorin ang Rak of Aegis.

Sana may mga bago pang mapapasikat ang musical play na ito, gaya nina Jerald Napoles at Kakai Bautista.

Continue reading below ↓

Gusto kong mapanood uli ito ngayong kasali si Derrick Monasterio.

Malaking challenge sa kanya kung kaya niyang makipagsabayan sa magagaling na theater actors.

Magandang training ground ito sa kanya. Hindi basta pa-cute lang.

Mabuti at suportado ang OPM at PhilPop ang magandang proyektong ito ng PETA.

JERRY OLEA: Ang palabas na ito ay para sa fans nina Randy at Aicelle, at sa mga nagmamahal sa musika ng Aegis.

Sa dami ng platforms ngayon ng entertainment, nawa’y tangkilikin pa rin ito ng mga manonood.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results