Godzilla: King of the Monsters, naghari sa takilya sa North America

by PEP Troika
Jun 4, 2019

JERRY OLEA: Naghari sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend, Mayo 31-Hunyo 2, ang bagong bukas na Godzilla: King of the Monsters.

$47.8M ang opening weekend gross ng Godzilla sequel.

Iyong 2014 reboot ng Godzilla franchise ay $93.2M ang opening weekend gross.

Nag-debut ang Godzilla: King of the Monsters sa 75 territories outside North America, at tinatayang $130M ang international gross nito, kaya more or less ay $178M ang worldwide opening gross nito.

Pumangalawa sa takilya ng North America noong Biyernes hanggang Linggo ang Aladdin na naka-$42.8M.

Ang domestic gross ng Aladdin ay $185.5M sa dalawang weekend, samantalang ang worldwide gross nito ay umabot na sa $449.8M.

Dalawang malaking Hollywood films ang mag-o-open bukas, Miyerkules, Hunyo 5, sa mga sinehan ng Pilipinas—ang X-Men: Dark Phoenix at The Secret Life of Pets 2.

Magpapasikat din bukas sa select local cinemas ang pelikulang Sunshine Family, na pinagbibidahan nina Nonie Buencamino, Shamaine Buencamino, Sue Ramirez, Marco Masa, at Shinwoo ng Blanc-7, sa direksyon ni Kim Tai-sik.

Continue reading below ↓

Joint venture ito ng Spring Films at Film Line.

Istorya ito ng isang pamilyang Pinoy na nakatira sa South Korea.

Pauwi na sana sila sa Pilipinas nang masangkot sila sa isang hit-and-run accident.

NOEL FERRER: Eepek kaya ang sinasabing boycott sa SM Cinemas o sana, mai-transfer lang ang panonood ng mga tao ng sine sa ibang theaters?

Continue reading below ↓

Opening na pala ng Sunshine Family bukas... sana maging sunshiny ang disposition ng lahat kapag lumabas na ang resulta nito sa takilya!

GORGY RULA: Nasagap ko lang mula sa mga nakapag-preview nitong Sunshine Family, hindi raw nila gaanong na-appreciate ang pelikula.

Pero tingnan natin, baka magustuhan naman ng mga manonood.

Hindi ako gaanong excited sa mga pelikulang magbubukas sa mga sinehan bukas.

Sana makahabol pa ako sa Quezon’s Game. Maganda raw ito, e!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results