Alyssa Muhlach, nakaranas ba ng sexual harassment sa showbiz?

by PEP Troika
Jun 5, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Nagkakasunud-sunod ang acting projects ni Alyssa Muhlach.

If ever, sasali ba siya uli sa beauty pageant?

"I don’t know po yet,” nakangiting sabi ng baguhang singer-actress nang maka-one-on-one ko sa mediacon ng pelikulang Clarita, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Arron Villaflor, at Ricky Davao.

Ginanap ang mediacon noong Hunyo 2, Linggo ng gabi, sa Victorino’s restaurant, 11th Jamboree St., Quezon City.

“It will depend on the opportunities that will come my way po, kung magiging OK siya sa career ko in the long run."

Nag-audition ba siya sa Darna?

"No, I didn’t," mabilis na sagot ni Alyssa.

Interesado ba siyang maging Darna?

"I am. But, ano po kasi siya... I feel like... I feel like... andami kong feelings!" natatawang bulalas ng dalaga.

Aminado si Alyssa na masyado pa siyang baguhan para sa sikat na Pinay superhero role.

"I feel like it has to be given to someone po kasi talaga na talagang ready. Coz it’s such an iconic role, and basically, I just don’t wanna mess it up!

Continue reading below ↓

"Kung mabigay man siya sa isang newbie na katulad ko...

"I think it’s such an iconic role, and someone who will get this role needs to be deserving, and she needs to be prepared, and she needs to work very, very hard."

JERRY OLEA: Marami pang kailangang matutunan si Alyssa bilang artista.

"Yes po, in terms of acting," sang-ayon ni Alyssa.

"Because it’s really a different ball game, as what people would say, compared to being a beauty queen.

"I also sing po kasi. So, I think it’s really two different things. You really need to learn through experience.

"That’s one thing I learned po sa pagiging artista. Kailangan mo talagang mahasa.

"And mahahasa ka lang kung umaarte ka nang umaarte. Kailangang makasanayan mo yan."

Nagte-taping si Alyssa para sa Kapamilya teleseryeng Kapalaran, kung saan love triangle sila nina JM de Guzman at Arci Muñoz.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya kontrabida rito.

Satisfied siya sa pace ng kanyang career, lalo pa’t nabigyan siya ng five-picture contract sa Star Cinema.

"Sobrang nagpapasalamat ako, kasi I know how hard it is to make it in this industry!" bulalas ni Alyssa.

"Totoo naman talaga na mahirap to make it there. Kapag binigyan ka ng opportunity, you really need to grab it.

"Pag hindi mo kinuha, someone else will grab that opportunity."

Para makamit ang ganitong opportunities, may naranasan ba siyang sexual harassment or exploitation?

"No," napailing na pagkunot-noo ni Alyssa.

"Sa akin po, wala naman po.

"It’s not also ano to ask me kasi medyo bago ako, so hindi ko rin po alam yung mga...

"Kasi, my mom naman po is also with ABS-CBN, and wala naman po siyang naikukuwento.

"And my mom is in this industry [since she was] 14, 15 years old? Sobrang tagal na rin po ng mom ko!"

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Parang mas bagay si Alyssa sa showbiz, e. Hindi siya pam-beauty queen.

Kaya mas mabuting mag-focus na siya sa acting, at siguro pag-isipan niya kung kaya niyang magpa-sexy.

Bagay kasi siyang pang-leading lady sa action films.

Mabait na bata iyan—dahil kahit mas malapit siya sa mommy niyang si Almira Muhlach, hindi niya kinakalimutan ang daddy niyang si Bong Alvarez.

Read Next
Read More Stories About
alyssa muhlach, Clarita
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results