Willie Revillame, napadala na ang pangakong drone sa It's Showtime contestant

by PEP Troika
Jun 5, 2019
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin & It's Showtime

GORGY RULA: Naipadala na ni Willie Revillame ang pangako nitong laruan na drone sa isang contestant ng "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime na si Clyde Borlongan ng Iligan City.

Ito ang masayang ikinuwento ni Ogie Alcasid sa radio program namin sa DZRH nitong Hunyo 4, Martes ng gabi.

Noong Hunyo 3, Lunes, tinawagan ni Ogie si Willie at kinausap nang live via phone patch sa It's Showtime upang iparating ang hiling ng contestant.

"Hindi naman planado iyon, e," pakli ni Ogie.

"Kasi, tinanong yata ni Mariel o ni Vice kung sino ba ang may number ni Willie.

"It just so happened, ako lang iyong may number niya kasi kaibigan ko si Willie.

"Nung tinawagan ko siya, 'Uy, puwede ba kita iere?'

"Sabi niya, 'Sige!' E, di yun na. Nakakatuwa naman."

Martes ng hapon ay kaagad na ipinadala ni Willie sa studio ng It’s Showtime ang pangakong laruan para sa anak ng contestant na si Clyde Borlongan.

Continue reading below ↓

"Kanina, naipadala na niya. He made it sure na makarating.

"So, nag-text siya sa akin, 'O, ayan, napadala ko na.'

"Nakaka-good vibes iyon, di ba?" komento ni Ogie.

Kahapon din pala ang 24th birthday ng panganay ni Kris Aquino na si Joshua.

Tinanong ko na rin si Willie kung may ipinadala rin ba siyang birthday gift dahil gustung-gusto siya ni Josh, sabi ni Kris.

Hinihintay ko pa ang sagot niya, dahil nasa taping pa ito ng Wowowin.

NOEL FERRER: Nakaka-inspire ang good deed lalo na sa mga taong alam mong nandiyan palagi at bukas-palad para tumulong sa iba.

Ganyan sina Willie at Ogie. Hindi ko sila madalas nakikita at nakakausap, pero alam mong mabuti ang puso lagi.

Kaya naman sila pinagpapala!

JERRY OLEA: Nakakaaliw ang nasabing pagge-“guest” ni Willie sa It’s Showtime, lalo pa’t dati iyong timeslot ng Wowowin host noong nasa bakuran pa ito ng ABS-CBN nagtatrabaho.

Continue reading below ↓

Nagbiro pa si Willie kung puwede ba siyang mag-guest doon nang live, kaya lang, baka mawalan siya ng game show sa GMA-7.

Hirit ni Vice, kung sakali ay baka mauna pa silang mawala bilang hosts ng It’s Showtime.

Siyempre, nakatulong sa It’s Showtime ang "guesting" na iyon ni Willie!

If ever, magge-“guest” din kaya si Ogie o Vice sa Wowowin?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin & It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results