Sunshine Family, nakipagsalpukan sa Dark Phoenix at The Secret Life of Pets 2

by PEP Troika
Jun 6, 2019

NOEL FERRER: Tumabo sa takilya ng halagang umabot sa P38M ang X Men: Dark Phoenix sa opening day nitong Hunyo 5, Miyerkules.

Ang kasabay nitong The Secret Life of Pets 2 ay naka-P7M naman.

Ang report from the theater owners ay halos negligible at halos wala pa sa kalahating milyon ang kinita ng Sunshine Family.

Ang Quezon’s Game ay nadagdagan ng mga sinehan, pero kailangan pa rin itong tangkilikin ng audience.

Compared sa kasabayan nitong Aladdin ay malayo talaga ang agwat.

Natawa na lang ang taga-sinehan na nakausap namin sa lumabas na post na naungusan daw ng Quezon’s Game ang Aladdin in one showing sa isang mall.

Paglilinaw ng taga-mall, bagong showing time yung kinunan sa Aladdin kaya naghihintay pa ng bagong audience, samantalang ang nakunang punuang sinehan ng Quezon’s Game ng Tuesday afternoon sa Trinoma ay pinuno ng senior citizens na libre ang cinema pass kapag Monday and Tuesday.

Continue reading below ↓

“Although masaya tayo at nang-eengganyo pa rin ng mga tao para mas suportahan pa ang pelikulang lokal, doon lang po tayo sa totoo,” sabi ng mall-worker.

JERRY OLEA: Matapang ang Sunshine Family na nakipagbakbakan sa Dark Phoenix.

Hindi nakakagulat ang resulta ng kanilang salpukan.

Inaasahan nating aariba pa ang Dark Phoenix ngayong weekend.

Nito kasing Miyerkules ay holiday at marami ang nag-out-of-town.

Punuan nga ang mga resort na ginalugad namin noong Tuesday night sa Pansol, Calamba City.

At noong early Wednesday night na bumalik kami sa Kamaynilaan, maluwag sa C-5 at EDSA.

Bisi-bisihan din ang mga tao sa school opening.

Iyong iba naming friends, nag-stay sa bahay noong Miyerkules at pinanood ang Season 5 ng Black Mirror (3 episodes) na noong araw na iyon nag-umpisa ang streaming sa Netflix.

Siyanga pala, sa June 12, Independence Day, ay showing na sa local cinemas ang horror movie ni Jodi Sta. Maria na Clarita, at ang rom-com nina David Licauco & Shaira Diaz na Because I Love You.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mabuti at nadagdagan ng mga sinehan ang Quezon’s Game dahil iyan ang gusto kong habulin.

Tigilan ako ng X-Men na iyan! Tinulugan ko nga iyang Godzilla: King of the Monsters kahit nagbabakbakan silang mga halimaw.

Ang pangit pang umarte ng ibang artista na hindi nagmarka sa akin ang pangalan nila. Kaya, sleep na lang ako!

Ewan kung sinu-sino ang interesadong panoorin sina David Licauco at Shaira Diaz sa Because I Love You.

Itong Clarita ni Jodi Sta. Maria, siguro after this movie ay pag-isipan muna niyang mabuti ang mga susunod na projects na tatatanggapin niya.

I-assess nila kung ano ang magandang project para makabawi siya.

Okay lang magpahinga sandali para makapag-isip at makapili ng magandang proyekto na pelikula man o TV shows.

Kunsabagay, okay naman ang naririnig kong feedback sa Mea Culpa: Sino Ang May Sala, pero siguro maging mapili muna siya sa future projects niya.

Continue reading below ↓

Abangan ko kaya itong Feelennials na magsu-showing sa June 19, na 158th birth anniversary ng ating pambansang bayani.

Curious lang ako kung makakabawi rito sina Bayani Agbayani at Ai-Ai delas Alas.

May mga nakakatawang eksena naman sa trailer, e. Tingnan natin.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results