Shaira Diaz, inaming may pagnanasa ang ilang kaibigan niya kay David Licauco

by PEP Troika
Jun 7, 2019

JERRY OLEA: Hunyo 26 na—sa halip na Hunyo 12, Araw ng Kalayaan—ang playdate ng romantic-comedy movie nina David Licauco at Shaira Diaz na Because I Love You.

Buti naman! Nitong Hunyo 6, Huwebes, lang sila nagkumahog na mag-mediacon sa Chateau 1771, El Pueblo Events Place, Ortigas Center, tapat ng Podium Mall sa Mandaluyong City.

Bitin sa promo kung agad-agad na ipalabas.

Base sa trailer, halatang pinagkagastusan ang movie. Gumamit pa ng helicopter.

Hindi tinipid ni Direk Joel Lamangan ang production values, lalo pa’t ang papel dito ni David ay isang ultra-rich na heredero.

Bombera naman dito si Shaira—firefighter, hindi bold dancer.

Nakasama si David sa seryeng TODA One I Love, habang si Shaira ay kasali sa seryeng Love You Two ng GMA-7.

Ngayon, Because I Love You ang movie nila.

Andaming “love” sa buhay ni Shaira—mapa sa career man o sa personal na aspeto.

Continue reading below ↓

Napangiting sang-ayon ng dalaga, “Oo, di ba?! Dapat! Kasi, love is in the air, sabi nila!”

Happy ngayon si Shaira sa maraming bagay.

“Ipinagpapasalamat ko, kasi, sunud-sunod. Tapos, ang ganda pa ng mga feedback sa mga ginagawa ko,” saad ni Shaira.

“Kaya sobrang happy and thankful ako, kasi, pinagkatiwalaan nila ako dito.”

Kumusta na ang pakikipagtrabaho niya kina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa Love You Two?

“Para na kaming magkakapamilya talaga, e.

"Kasi, parehas kami ng ugali. Pareho kami ng mga gusto," saad ng Kapuso Millennial Sweetheart patungkol kay Jennylyn.

"Tapos, si Kuya Gabby naman, napakabait din. Napaka-generous. Saka napaka-thoughtful. Parang hindi kami nagtatrabaho.”

Ano ang pagkakapareho ng dalawang leading man niya na sina David at Gabby?

Mabilis na sagot ni Shaira, “Pareho silang gentleman. Parehas guwapo, di ba? Yun!”

NOEL FERRER: Sayang iyong holiday na binibigyan ng choice ang mga manonood ng pelikulang Pilipino na puwedeng panoorin.

Continue reading below ↓

Pero mas inayos sana ang pagpapalit ng playdate in time for the presscon kahapon.

Sayang at umalis daw agad si Direk Joel sa presscon.

Mas may anghang, tamis, alat, at asim sana ang mga sagot niya sa mga tanong, kaysa sa mga nagpapa-sweet na mga bagets.

Ang nakakatuwang soundbytes ay nanggaling tuloy kay Samantha Lopez.

JERRY OLEA: Ang ganda-ganda ng katawan ni David. Yum, yum, yum ang abs!

“Oo nga, eh,” matamis na pagngiti ni Shaira.

“Andaming nagsasabi sa akin, ‘Uy! Crush ko si David Licauco!’

Iyong friends ko, gusto laging magpa-video greet sa kanya.

“So, parang sa akin, ‘Ang suwerte ko pala!’ Kasi, ano, e... pinagkakaguluhan itong si David. Ang daming followers nito!”

Memorable kay Shaira ang kissing scene nila ni David.

“First time kong ginawa ang ganoong klaseng kissing scene!” bulalas ng young actress.

“Kaya dapat, abangan ninyo 'yan!”

Continue reading below ↓

So, mas may natutunan pala siya kay David kaysa kay Kuya Gabby pagdating sa kissing scene!

Natawa si Shaira, “Kasi, iyong sa amin naman ni Kuya Gabby, smack-smack lang iyon, e.

Iyong sa amin ni David, first time kong ginawa ito, e!

“Tapos, rehearsal pa lang, itong si Direk Joel, ‘O, gusto ko, makita ko na, ha?! Ayokong naka-steady lang!’

“Ganun-ganun! So, kailangan na naming gawin kahit rehearsal pa lang. Ganun si Direk Joel! Hahahaha!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results