DSWD Sec. Rolando Bautista, nagbigay ng mga kundisyon kay Erwin Tulfo

by PEP Troika
Jun 7, 2019
PHOTO/S: Facebook / PTV4

GORGY RULA: Pagkatapos maglabas ng public apology ng kilalang broadcaster na si Erwin Tulfo, ngayon lamang naglabas ng sagot si DSWD Secretary Rolando Bautista kaugnay ng isyu nila.

Kaagad na kumalat sa media ang statement at sagot na rin ni Bautista sa public apology ni Erwin, na sinundan ng isa pang apology ng kuya niyang si Raffy Tulfo.

Bahagi ng pahayag ni DSWD Secretary Bautista:

“Tinatanggap ko ang paghingi ng paumanhin ni Ginoong Erwin T. Tulfo alinsunod sa mga nakatakda na kailangan niyang gampanan sa lalong madaling panahon upang mapatunayan ang kanyang katapatan:

“Hihingi ng paumanhin si Ginoong Erwin T. Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa kalahating pahina na kaniyang babayaran.

“Ipapalabas din niya itong paghingi ng paumanhin sa social media platforms katulad ng: Facebook, Twitter, Instagram at Youtube at sa mga estasyon ng radio katulad ng: DZBB, DZMM, Radio Singko News FM 92.3, DZRH at DZRB.

Continue reading below ↓

“Magbibigay siya ng donasyon sa halagang hindi bababa sa tatlong daang libong piso (PHP 300,000.00) sa lahat ng mga sumusunod sa halip ng pambayad ng danyos o bayad-pinsala sa pagkawasak ng aking pagkatao, reputasyon at pati na rin ng mga institusyon na aking kinatawanan o naging kaanib na binubuo ng mga sumusunod: The Philippine Military Academy; The Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated; The Association of Generals and Flag Officers; The First Scout Ranger Regiment, PA; The Special Forces Regiment (Airborne), PA; The Light Reaction Regiment, PA; The Philippine National Police Special Action Force; The Philippine Naval Special Operations Group, PN; The Philippine Marines Special Operations Group, PN; The Philippine National Police Maritime Group; The Trust Fund for the City of Marawi’s Internally Displaced Persons (IDPs) to be administered by DSWD BARM; The Philippine Veterans Hospital; The AFP Victoriano Luna Medical Center; The Philippine National Police Camp Crame General Hospital; The Philippine Army General Hospital; The Philippine Navy General Hospital; The Philippine Air Force General Hospital; The Philippine Coastguard General Hospital; and An Educational Trust Fund for the deserving children of DSWD employees to be deposited at the Landbank.”

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Labinsiyam (19) na organisasyon iyon na kailangang mag-donate si G. Tulfo ng hindi bababa sa P300K bawa’t isa.

Bale at least P5.7M iyan.

Iyong social media platforms, libre. Iyong radio stations, puwede ring libre.

Pero para masiguro, kailangang bumili ng airtime. May budget dapat iyan.

Iyong mga print ad (kalahating pahina sa mga pangunahing dyaryo), babayaran talaga ang mga iyon. Maliit ang P300K na ilalaan para roon.

So, hindi bababa sa P6M ang kailangang gastusin, di ba?

NOEL FERRER: Nag-guest noon si Erwin Tulfo sa talk segment ng The Sharon Cuneta Show called "The Sharon Cuneta Exclusives."

Mula noon, nakasama ko na siya sa maraming proyekto. In fairness, naging mabait siya sa akin.

Hanggang sa nagtagpo kami ulit sa TV5, naging mabuti pa rin siya sa akin.

Totoo ang pinanghahawakan ko, he may be tough to others, pero naging mabait siya sa akin.

Continue reading below ↓

Dito sa isyung ito, nakahanap siya ng katapat, at marahil, nasa maling kundisyon o hulog sila nang araw na iyon.

Maraming puwedeng matutunan sa ganitong mga pagkakataon.

Hindi ako para humusga, nananalangin lang ako na pagkatapos mapunan ang mga kundisyon, magkaroon ng totoong pagpapatawad.

GORGY RULA: “Ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagmamalasakit, tulong, dasal, gabay at pag-alalay na ipinagkaloob ninyong lahat sa akin...”

Mensahe iyan ni Bautista para sa mga hindi niya nakilalang mga tao na naglaan ng panahon para suportahan siya, mga kasamahan niya sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP), Joint Task Force Marawi, Philippine Military Academy, Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated, iba’t ibang mga Stakeholders at mga Non-Government Organizations, at mga kapwa empleyado ng gobyerno, kaibigan at kamag-anak.

Dagdag ni Bautista, “Tatanawin ko po itong isang pagkakautangan ng loob sa inyong lahat. “Ipapanalangin ko po na pagpalain kayong lahat ng Diyos at ni Allah. Maraming salamat po muli! “

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook / PTV4
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results