Bayani Agbayani, hindi problema ang kawalan ng social media accounts

"Nag-research ako sa buong mundo, ako lang yata ang walang Facebook, e."
by PEP Troika
Jun 8, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Ikinuwento ni Bayani Agbayani sa mediacon ng pelikulang Feelennial (Feeling Millennials) nitong Hunyo 7, Biyernes ng tanghali, na nag-a-adjust pa rin siya sa millennials.

Wala raw siyang Facebook account, Instagram, Twitter, pati YouTube o kahit na anong social media account.

Sabi ni Bayani, "Nag-research ako sa buong mundo, ako lang yata ang walang Facebook, e. Wala akong Facebook, hindi ako active sa IG. Hindi ko lang hilig, e. Kahit si Randy Santiago, ganun din daw siya. Siguro, may mga ganun talagang naiwan na '90s, e. Ako, kahit ang music ko, '90s din, e, Air Supply.

"Pero eventually, pinag-aralan ko na rin yung Bruno Mars, nagtanung-tanong na ako. Ang disadvantage lang, kasi ang dali ko [nakabisado] ang lyrics ng mga songs nung 90s. Eto talaga, hindi ko [makabisado]. Iba na yung tugtog, iba na yung letra. Lahat, iba na po.

"Pero dapat lahat kami na mga artista, flexible kami sa lahat na uso, e. Kaya inaaral ko unti-unti. Pati yung jokes, yung lahat na punchlines ng millennials, dapat aralin mo rin nang sa gayon, maka-relate sila sa iyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya masasabing feeling millennial na rin siya dahil pinipilit niyang mag-adjust dahil kailangan daw. Ang pagkakaalam niya, ginawan siya ng asawa niyang si Lenlen ng Instagram account, pero hindi raw niya ito pinapansin. Bahala na raw ang asawa niya kung ano ang gusto nitong i-post.

NOEL FERRER: Malaki ang hamon sa pelikulang ito nina Bayani Agbayani at Ai-Ai de las Alas.

Si Pops Fernandez ang nag-produce ng Feelennial (Feeling Millennials). Buti na lang, nakuha nila ang Cignal bilang kasosyo rito para hindi super laki ang mga taya nila.

Kung saan aabot ang pelikula, good luck talaga! Pero siyempre, tutulong tayo para may mga pelikulang Pilipinong kumita, at magtuluy-tuloy ang indie producers na gumawa ng Pinoy movies.

JERRY OLEA: Feel ko na mas malaki ang kikitain ng Feelennial kesa sa Pansamantagal nina Bayani Agbayani and Gelli de Belen, at sa Sons of Nanay Sabel ni Ai-Ai de las Alas and Ex-Battalion.
Baguhan man si Pops Fernandez sa pagpoprodyus ng pelikula ay beterana siya bilang concert producer, kaya madiskarte ito para huwag malugi nang bonggang-bongga.
Baguhan man ang director ng movie, anong malay natin kung meron siyang beginner's luck, di ba?
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results