Paalala sa mga showbiz aspirants: huwag gumawa ng sex videos

by PEP Troika
Jun 8, 2019

JERRY OLEA: Paalala sa mga gustong mag-artista: huwag kayong gumawa ng mahalay na video.

Ang isang guwapitong newbie, nakasali sa isang reality show. Ayun, lumutang ang kalandian niya sa video, kaya dalawang linggo lang siya nagtagal sa palabas, at agad siyang pinalayas.

May isang bortalicious na aspirant, nag-audition sa isa ring reality show. E, aware ang organizers sa mga litrato at video niya na nakabuyangyang ang kanyang private organ, kaya hindi siya naka-survive sa screening.

Merong isang maalindog na dalagang artista, kahit paano ay may pangalan na. Lumutang ang kanyang video na mapangahas ang kanyang eksena. Ipinatawag siya ng management. Pinagsabihang ire-repackage ang kanyang image. Any moment, bida na si ate. Mag-e-emote na inosente, pero may mga pasiklab na dadarang sa mga disente.

NOEL FERRER: Ibang klase na talaga ngayon!

Itong sexy videos pa ang nagiging passport nila sa popularity or notoriety, kung anuman iyon.

Iyong iba naman, ito ang nagiging susi ng reinvention para lang may pag-usapang bago sa kanila.

Continue reading below ↓

At what expense? Ang makita ng buong mundo ang kanilang kahubdan?!

Ibang klase na talaga ang panahon.

Tumatanda na talaga tayo, mga ka-Troika!

GORGY RULA: Posibleng sa PBB at StarStruck ang pinanggalingan ng mga personalidad na ito.

Aalamin namin sa darating na Lunes, sa mediacon ng StarStruck kung may mga na-eliminate ba silang aspirants dahil sa na-involve sa ganoong iskandalo.

Siyempre, maingat sila sa ganoong bagay dahil ayaw nilang ang iskandalong kinasangkutan ng contestants ang pag-uusapan kesa ang mismong show.

Ang dami na kasing nasasangkot sa ganoon, kaya magiging problema pa iyan sa pagpasok mo sa showbiz.

Kaya aral iyan sa mga kabataan natin ngayon, iwasan ang mga ganoong gawain kahit sa girlfriend o boyfriend mo pa iyan gagawin.

Mahirap na!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results