Anton Diva, nakita na ang wetpaks ni James Reid

by PEP Troika
Jun 10, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Ipinakita ni James Reid ang kanyang butt kay Anton Diva.

Isa iyan sa mga nakatutuwang rebelasyon ni Anton Diva nang mag-guest siya sa radio program na Level Up Saturdate with Noel Ferrer noong Hunyo 8, Sabado, sa Radyo Inquirer.

Kuwento ni Anton, nangyari iyon matapos manalo si James sa PBB. May show sila kasama si Bret Jackson at iba pang artists.

Bilang bonding, may game sila na may consequence.

James was dared to bare his wetpaks at ginawa niya iyon nang walang pag-aalangan.

Nakakaaliw rin ang engkuwentro noon ni Anton Diva sa isang bagets sa Cagayan de Oro, na sumama sa kanya sa hotel.

“Akala ko, yun na iyon. Pero sabi niya, ‘Huwag, Anton, huwag.’

"Nirespeto ko siya. Ayokong namimilit ng lalaki," mabining lahad ni Anton Diva.

“Kung darating sa ganun, e, dumating sa ganun.”

Makalipas ang isa o dalawang taon, nasa showbiz na rin ang lalaking iyon. Sumikat ito bilang singer-actor.

Continue reading below ↓

Nang magkita silang muli ay nagkakumustahan sila. Pero hindi na nila naungkat ang kanilang nakaraan.

Bakit kaya sumama ang singer-actor sa hotel room kung hindi pala ito makikipagtalik sa kanya?

Napangiti si Anton, “Hindi ko alam. Baka isusukat pala niya ang damit ko!”

Isang malaking question mark kung manonood ang singer-actor sa birthday concert ni Anton Diva na Shine XXII AD sa Hunyo 15, Sabado ng 8 P.M., sa Cuneta Astrodome.

GORGY RULA: Nakakatuwa dahil suportado si Anton Diva ng mga kaibigan niya para maging successful ang concert na ito.

Si Vice Ganda nga, halos araw-araw niyang pina-plug ito sa It’s Showtime. Sinasabi niya kung saan nabibili ang ticket.

Baka hindi pa sold-out?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sana nga raw, dumating ang mga naging bahagi ng 22 years ni Anton sa industriya—at malaki talaga ang pasalamat niya kay Teri Onor sa pagpo-produce ng milestone concert na ito.

Mula sa Troika, good luck Anton!

This is truly a long overdue concert at pasasalamat na rin sa patuloy na pagpapasaya sa amin!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results