Andrea Torres, third party sa hiwalayang Derek Ramsay at Joanne Villablanca? 

by PEP Troika
Jun 8, 2019
PHOTO/S: Angelo Villegas / Instagram

GORGY RULA: Mariing itinatanggi ni Derek Ramsay na si Andrea Torres ang dahilan ng break-up nila ni Joanne Villablanca.

Nakausap ang aktor ng kasama ko sa radio program namin sa DZRH na si Morly Alinio, nitong Hunyo 7, Biyernes ng gabi, at isa ito sa tinanong sa kanya.

Noong inamin ni Derek kay Arniel Serrato ng PEP.ph na break na ang aktor at si Joanne, naglabasan na ang malisyosong intrigang si Andrea ang dahilan.

Si Andrea ang leading lady ni Derek sa drama series niya sa GMA-7 na The Better Woman, na magsisimula na raw sa susunod na buwan.

“Wala. Wala,” mabilis na sagot ni Derek.

“That’s unfair naman to Andrea na nadadamay pa siya, kasi, leading lady ko siya.

“Andrea is a great person, and I got a great friendship with Andrea.

“Disenteng babae po si Andrea. That’s not fair na nadawit pa siya sa break-up namin.

Continue reading below ↓

“Unfair naman na si Andrea na sinabihan nilang dahilan, e, hindi naman,” dire-deretsong pahayag ng Kapuso actor.

Maayos daw ang kanilang paghihiwalay ni Joanne kahit masakit.

Ayaw lang niyang ibigay ang buong detalye bilang respeto na lang daw sa dating girlfriend at sa kanilang relasyon.

“It’s always hard naman when you separate but for now we’re giving each other space.

“Hindi ko muna siya pina-follow sa Instagram. Hindi rin niya ako pina-follow sa Instagram or whatever sa social media.

“Kasi, pag nakita mo iyong mukha niya o nakita niya ang mukha ko, it just makes things harder.

“Mahirap. Sa both sides, not just for me, it’s really hard for her, too.

“Hindi madali ang isang break-up lalo na kapag nagsama na kayo nang five years,” saad ni Derek.

Pero wala raw negativity at walang batuhan ng mga akusasyon sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

“It’s hard. Hindi kami nag-uusap pero there’s no negativity towards each other.

“We’re very mature about this. Suportado kami pareho ng pamilya.

“Nagpaalam kami nang maayos hindi lang sa isa’t isa kundi nagpaalam siya nang maayos sa magulang ko, nagpaalam ako nang maayos sa mommy niya, sa daughter niya.

“It wasn’t sigawan, murahan, iyong mga ganung klaseng break-up. Walang ganoon. It was mutual.

“Kung gusto niyang i-share, I’m not going to be upset with her if she wants to share it.“

“But like what I said, ako… in respect to her, in respect to the relationship, that’s between Jo and I,” sabi pa ni Derek.

NOEL FERRER: This is the story of Derek’s love life.

Just like when we thought na sila na ni Angelica Panganiban, nag-break din sila.

Continue reading below ↓

Ngayon, ganoon din ang nangyari sa kanila ni Joanne.

Ano kaya ang effect ng pagli-live in sa dynamics ng ganitong relasyon?

Sabi, at least, nate-test na nila ang compatibility nila bago pa man ikasal. On the flipside, baka naman nagkakasawaan.

Oh well, on to better and lasting relationships to Derek and Joanne, and to the single ones we know...

JERRY OLEA: It’s better na mag-live in na muna para magkaalaman kung pam-forever na ba sila.

Mahirap at magastos ang magpa-annul.

Nakakalukring na masangkot muli si Andrea sa isyu ng ahasan.

Kambal ang papel ni Andrea sa The Better Woman, at inaasahan natin na ang isang karakter diyan ay mang-aahas, pero hanggang teleserye lamang iyan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Angelo Villegas / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results