Kyline Alcantara, gustong magpasampal kay Cherie Gil

by PEP Troika
Jun 11, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Natulala si Kyline Alcantara kay Cherie Gil, na kasama nina Heart Evangelista at Jose Manalo bilang hurado sa 7th season ng StarStruck.

“Nang ininterbyu ko po si Miss Cherie for one of my episodes dito sa Inside StarStruck, ahhm, hindi ako nagsasalita,” kuwento ni Kyline sa mediacon nitong Hunyo 10, Lunes ng gabi, sa Studio 7, GMA Annex Bldg., QC.

“Kasi, first time ko po siyang na-meet. Na-starstruck po ako!

“Parang nakaganyan lang ako sa kanya. 'Tapos, sabi niya sa akin, ‘Can you talk?’

“Sabi ko, ‘Ahmm, kinakabahan po kasi ako. Sorry po!’

"'Tapos, nag-request ako sa kanya, ‘Puwede niyo po ba akong sampalin?’

“Tinawanan niya lang ako.

“Nasa bucket list ko po talaga na masampal ni Miss Cherie...”

Si Kyline ang host ng online show ng StarStruck, ang Inside StarStruck, na napapanood sa YouTube Lunes hanggang Biyernes ng 6 P.M.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: So, sinampal ba ni Cherie Gil si Kyline?

Kung magawa man niya yun, iba pa rin ang level ng pagsaboy ng tubig a la-Lavinia Arguelles sa Bituing Walang Ningning (1985) na ginawa na niya sa akin.

Way to go, Kyline! Good luck!

GORGY RULA: Kahapon na nagsimula sa YouTube channel ng StarStruck ang Inside StarStruck kung saan si Kyline ang host.

Dito mapapanood ang behind the scenes (BTS) ng StarStruck audition dahil doon na lang mapapanood ang mga maagang natanggal. May ilan sa kanila ang na-interview ni Kyline.

Dito kaya sa Inside StarStruckk mapapatunayan ni Kyline ang lakas niya sa social media kaya siya ang pinili, hindi ang sinumang graduate ng StarStruck?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results