Jose Manalo, itinangging pinaghihiwalay na ng Eat Bulaga ang AlDub

by PEP Troika
Jun 11, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / YES! Magazine

JERRY OLEA: Hiwalay na ba sina Alden Richards at Maine Mendoza sa mga itinotokang trabaho sa Eat Bulaga?

“Sa Eat Bulaga kasi, siguro, iyong portion namin—maraming portion sa Bulaga—so bawa’t host, binibigyan sila ng kanya-kanya,” paliwanag ni Jose sa mediacon ng StarStruck (7th Season) nitong Hunyo 10, Lunes ng gabi, sa GMA Annex Bldg., QC.

“Pero noong time naman na magkasama, minsan kasama rin namin sila sa Juan for All.

“Mas madalas... Siguro, sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila.”

Napailing na pagpapatuloy ni Jose habang nakakunot-noo, “Hindi naman siguro pinaghihiwalay.”

Hindi nag-iiwasan sina Alden at Maine. Nag-uusap sila, ayon kay Jose.

“Parang mga bata yung dalawang yun pag nag-uusap, nagbibiriuan,” sambit ng komedyante, na isa sa tatlong hurado ng StarStruck (7th Season).

“Masaya! Masaya!”

Malabo na iyong Kalyeserye?

“Hindi... di natin masabi. Kasi, hindi natin masabi yung Kalyeserye, ano pa ba? Baka mamaya... eto uli, di ba?

Continue reading below ↓

“So, wala akong nakikitang hiwalayan o pinaglalayo yung dalawa. Hindi siguro gagawin!” pagdidiin ni Jose.

Naramdaman ba niyang may nagbago sa dalawa?

“Nagbago, lalo si Maine... nagbago, kasi gumaling lalo si Maine,” tugon ni Jose sabay hipo sa kanyang ilong.

“Ahh, sa hosting, lumabas na yung galing nung bata sa paghu-host.

"Ganun din naman si Alden, hindi natin matatawaran.

“Pero yung pagbabago para sa kanila, kung itinatanong ninyo yung sweetness nila...

“Yung sweetness, nandoon, e! Naghaharutan yung dalawa!”

NOEL FERRER: Hindi na mawawala ang naiambag ng AlDub tandem kaya mananatili silang nandiyan.

Ngayong may buhay na silang sarili, hayaan na natin sila.

Until something significant happens, they will just either become a memory or a possibility.

GORGY RULA: Parang happy naman lahat, e.

Tahimik na ang karamihang fans at tanggap na nila ang kapalaran nina Alden at Maine.

Masaya at excited si Alden sa Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo, at naaasikaso ni Maine ang endorsements niya at masaya rin sa love life niya.

Continue reading below ↓

Sabi nga ni Sylvia Sanchez nang nakausap namin sa Take It ... Per Minute online show nina Manay Lolit Solis at Tita Cristy Fermin nitong Hunyo 11, Martes, natutuwa siya para sa anak niya dahil nakikita niyang napakagandang influence si Maine kay Arjo Atayde.

Kaya masaya ang lahat. Good vibes lang lahat.

Kahit malabo nang maibalik ang kalyeserye, walang problema kina Alden at Maine.

OK pa rin sila sa Eat Bulaga.

Pero sabi ni Jose, hindi natin alam kung ano pa ang mga susunod na gagawin sa Eat Bulaga.

Malay natin, baka may maisip na magandang segment na gagawin nina Alden at Maine na kagigiliwan ng dabarkads at madlang people.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / YES! Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results