Clarita, Graded A ng Cinema Evaluation Board

by PEP Troika
Jun 11, 2019

JERRY OLEA: Graded A ng CEB (Cinema Evaluation Board) ang horror movie na Clarita.

Pasiklab tuloy ng produksyon, ang bida rito na si Jodi Sta. Maria ay Bb. Pilipinas-Supernatural.

Sa hanay ng naglipanang local horror movies, naiiba ang Clarita dahil inspired ito ng true events noong Summer of 1953.

“Hindi clear ang records ni Clarita Villanueva, pero galing siya ng province,” kuwento ng direktor na si Derick Cabrido sa mediacon noong Hunyo 2, Linggo, sa Victorino’s, 11th Jamboree St., QC.

“Pumunta siya ng Manila. Tumira siya sa may Malate area. Hinahanap niya ang father niya.

“Hindi clear kung prostitute siya, o napagbintangang prostitute. Nabagansya siya.

“Nakulong siya, and doon nagsimula iyong possession sa kanya.

“Actually, noong before pa, nagsisimula na. Pero kumbaga, mas naging clear noong nasa loob na siya ng kulungan.

“Kasi, parang may isang presscon na nangyari... presscon iyon ni Mayor Lacson, lumabas iyong mga bite marks sa kanya nung demon...

Continue reading below ↓

“Noong time na nagsu-shoot kami, one of the locations na kinunan na in, iyong nagbabantay nun, yung may-ari mismo ay apo ng judge na humawak ng kasi ni Clarita Villanueva.

“Sabi niya, ‘Ikinukuwento ng mother ko ‘yan, na habang hini-hearing ang kaso, in the middle of the hearing bigla na lang siyang sinaniban doon kaya hindi iyan makalimutan ng nanay ko.’

“Sa history ni Clarita, napalayas sa kanya yung demon...”

Continue reading below ↓

Ang Clarita lamang ang Pinoy movie na mag-o-open bukas, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Umurong kasi sa June 26 playdate ang Because I Love You nina David Licauco & Shaira Diaz.

Makikipagsalpukan ang Clarita sa sci-fi comedy film na Men In Black: International.

Bida rito sina Chris Hemsworth at Tessa Thompson bilang Agent H at Agent M, respectively.

NOEL FERRER: I wish Clarita all the best its only for Jodi Sta. Maria and its director Derick Cabrido.

Sana suportahan ito ng mga kababayan natin, lalo pa’t Graded A ito ng Cinema Evaluation Board.

Kapit-bisig bukas, mga kapatid. Nakakatakot, pero laban!!!

GORGY RULA: Magaling daw si Jodi sa pelikulang ito.

Malaki ang nagawa ng magaling niyang performance kaya nag-A ang Clarita, ayon sa ilang napagtanungan ko.

Sana makalusot ito sa box-office bukas. Parang kulang pa sa promo, e.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results