Anak ng longtime partner ni Eddie Garcia, humihingi rin ng dasal para sa ina

by PEP Troika
Jun 11, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

NOEL FERRER: Nagbigay na ng pahayag ang isa pang anak-anakan ni Tito Eddie Garcia na si Congressman Michael L. Romero sa pamamagitan ng Facebook nitong Hunyo 11, Martes ng hapon.

Si Michael ay anak ni Lilibeth, ang longtime partner ni Tito Eddie.

Sabi nito, “Tito Eddie [Garcia] is holding on. Kindly keep on praying for him as we still believe miracles can still happen.

“Since I was 13, Tito Eddie has always played father to both my brother Nikki and I.

“He has not only taught us the very value of respect and kindness, but showed this trait in his daily life.

“Kindly likewise pray for my mother Lilibeth. May she accept that it is always GOD’S WILL and not OURS.”

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Si Lilibeth ang “Lady In Red” na kasama ni Tito Eddie nang dumalo siya sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal noong Abril 28 sa Meralco Theater.

“I’m dedicating this trophy to the lady in red, my lucky charm, Lilibeth!” bulalas ni Tito Eddie nang tanggapin ang kanyang tropeyo bilang best actor para sa ML.

Katabla ni Tito Eddie si Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things) bilang best actor ng FAMAS.

Kapwa naka-cast sina Victor at Tito Eddie sa Kapuso teleseryeng Rosang Agimat.

Patuloy ang panalangin natin para kay Tito Eddie.

GORGY RULA: Habang nag-aabang tayo at nagmu-monitor sa kalagayan ni Sir Eddie, pasensiya na, pero bumalik sa akin ang ibang interviews namin sa kanya.

Ilang taon na ang nakararaan nang kinover namin ang gala night ng Bwakaw sa Cinemalaya.

Napag-usapan namin ang kamatayan dahil tungkol sa isang matandang pinaghandaan ang kanyang kamatayan ang kuwento ng Cinemalaya 2012 entry ni Direk Jun Lana.

Continue reading below ↓

Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Sir Eddie na kung anuman daw ang mangyari sa kanya, ibinilin niya sa kanyang pamilya na hindi na ibabalita.

Gusto raw niya tahimik lang at malalaman na lang daw nating nailibing o nai-cremate na siya.

Hindi ko alam kung napag-uusapan nila ito ng kanyang partner na laging kasama ni Sir Eddie sa mga showbiz events na dinadaluhan niya.

Pero lahat naman tayo ay nagdarasal na malagpasan ito ni Sir Eddie dahil malaki siyang kawalan sa ating industriya.

Kapit pa rin tayo sa paniniwala at pananalig sa Diyos na makasama pa natin siya sa mga susunod na proyektong gagawin niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results