GORGY RULA: Kapansin-pansin ang pagpayat ni Dingdong Dantes nang nakatsikahan namin sa mediacon ng StarStruck Season 7 noong Hunyo 10, Lunes, sa GMA Annex Bldg., QC.
Nagpapayat pala ang Kapuso Primetime King dahil pinaghahandaan niya ang pagsali niya sa BMW Berlin Marathon sa September.
Kuwento ni Dingdong, si Kim Atienza ang nagkumbinsi sa kanyang sumali. Marami raw sila at masaya ang grupo nilang pupunta ng Germany para sumali sa Berlin Marathon.
Bukod dito, gusto na rin ni Dingdong na bumalik ang dati niyang katawan at sigla para na rin sa kanyang kalusugan.
“Naging panata ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Kasi, mula noong ipinanganak si Sixto, gusto kong i-renew yung commitment ko sa kalusugan.
“Kasi dati, naging active ako nung si Zia ang ipinanganak. Sabi ko, ibalik ko yun.
“So, nag-commit ako na sumali sa isang marathon. Parang reflection yun na talagang committed ka para sa health mo.
“Kung pumayat ka, resulta na lang yun,” pahayag ni Dingdong.
Suportado ng misis ni Dingdong na si Marian Rivera ang pagsali niya sa naturang marathon.
Hindi lang siya sure kung makakasama si Marian dahil mas naka-focus ito sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak, lalo na kay Sixto.
Tuluy-tuloy ang ensayo ni Dingdong, Naisisingit niya ito sa taping at ilang shoot para sa StarStruck na magsisimula na sa Sabado, June 15, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.
Meron din tuwing Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.
NOEL FERRER: Nakita ko si Dingdong noong Sabado nang mag-host siya sa Istorya Ng Pag-Asa Awards with Iza Calzado.
They vowed to work together again in a project soon.
Well, their pair made significant TV and film prpjects kaya dapat lang mag-level up sila sa isang significant project soon.
Sayang at hindi pa nakakatrabaho ni Dingdong si Tito Eddie Garcia.
Suportado natin si Dingdong sa kanyang worthwhile causes and advocacies.
JERRY OLEA: Maging ang hurado sa StarStruck (season 7) na si Jose Manalo ay conscious sa kanyang kalusugan.
Inurirat ko si Jose kung nagbawas siya ng mga raket dahil sa naturang reality show.
“Matagal na, last October pa yata, hindi na ako nagso-show sa gabi,” seryosong sambit ng comedian.
“Matagal na akong hindi nagso-show sa gabi. Kasi siyempre, kailangang mag-ingat sa health. Kailangan! Kailangan!
“Hindi ko naman sinasabing matanda. Dahil kumpleto pa rin ako—exercise...
“Sabi nga, aanhin mo yung perang nakukuha mo... biruin mo, mula nang nag-start kami, hanggang Sunday, nagso-show kami sa gabi.
“Baka mamaya, maningil bigla, e. Yung kinita mo...”
Pambayad lang sa ospital?!
“Oo. Oo! So ngayon, concentrate sa Eat Bulaga—iba iyong init sa Bulaga kung mapapansin ninyo.
“So, kailangang maka-exercise thrice a week ako, basketball, 6 o’clock ng umaga, naglalaro na ako.
“Para yung resistensiya rin namin, malakas. Kasi, lalo ngayon, hindi biro yung ginagawa namin sa Bulaga.
“So, bawas! Bawas trabaho sa gabi!”