Clarita ni Jodi Sta. Maria, lumalaban sa takilya

by PEP Troika
Jun 13, 2019

NOEL FERRER: Masaya ang napagtanungan naming theater distributors sa resulta ng mga pelikulang nagbukas this week.

Naka-P21M opening day gross ang Men In Black: International na tunay raw na entertaining, ayon sa mga nakapanood nito.

At ang horror film na Clarita mula sa Black Sheep starring Jodi Sta. Maria ay naka-P7M naman daw.

OK na yun sa isang local film ngayon.

Mas maganda sana kung madagdagan pa ang manonood ng Graded A na pelikulang ito ni Derick Cabrido dahil katulad ng sinabi ng mga kaibigan ni Jodi na sina Direk Rowell Santiago at Ara Mina, marahil ay ito na ang huling beses na gagawin ni Jodi ang ganitong materyal.

Bukod sa ubod ng galing, sobrang nakakapagod ang ginawa niya sa pelikulang ito.

“Last ko na ito,” sabi ni Jodi sa ganitong nakakapagod at mapanghamon na film genre.

'Tara, nood na ng Clarita!

JERRY OLEA: Nag-open ang Clarita sa 179 sinehan noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan—52 sa Metro Manila, 127 sa mga probinsya.

Continue reading below ↓

Siyempre, mas marami ang mga sinehan ng sci-fi action comedy nina Chris Hemsworth at Tessa Thompson na Men In Black: International.

Ito ang ikaapat na MIB movie. Waley sa sequel/spin-off na ito sina Will Smith at Tommy Lee Jones. Naaliw pa rin ako kahit paano sa MIB: Int’l, lalo na sa eksena ni Chris na humawak at nagbato ng martilyo. Pinakamaganda pa rin para sa akin ang unang Men In Black (1997). Sa Hunyo 19, ipapalabas na ang Feelennial (Feeling Millennial) nina Ai Ai de las Alas at Bayani Agbayani. Boboykotin daw ito ng mga dilawan?

GORGY RULA: Marami kasi talagang mga taong lumabas nitong Independence Day. Nagliwaliw sa mall ang karamihan. Kaya magandang first day of showing iyun sa mga pelikula lalo na sa Clarita ni Jodi Sta. Maria. Pero ang narinig kong tsika, kaya raw dumami ang nanood sa Clarita ay dahil gusto mapanood ng karamihang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang teaser ng Hello, Love, Goodbye. Doon iyon unang ipinalabas at hindi pa ito kumalat online. Kaya ang dami raw curious na makita at excited na mapanood ang naturang pelikula.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results