Mike Enriquez, posibleng sumailalim sa kidney transplant

by PEP Troika
Jun 13, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Posibleng dumaan sa kidney transplant ang Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez.

Ibinahagi niya ang kuwentong ito sa mediacon ng Dobol B sa News TV nitong Hunyo 13, Huwebes ng tanghali, sa GMA Compound, Quezon City.

Masaya niyang in-announce na mula 6 A.M. hanggang 12 NN, Lunes hanggang Linggo, ay mapapakinggan sa DZBB 594 KHz at mapapanood sa GMA News TV ang mga news program ng Kapuso radio broadcasters.

Kinumusta namin kay Mike kanyang kalusugan at kung kaya pa ba ng kanyang katawan.

Sagot ng brodkaster, iniingatan niya ang kanyang kalusugan.

Ibinahagi rin niya kung ano ang mga ginawa sa kanya noong nawala siya ng ilang buwan.

Dumaan siya sa quadruple bypass at every week ay tatlong beses siyang dina-dialysis.

Ang hirap daw kapag dina-dialysis siya dahil parang binugbog at parang lutang siya pagkatapos.

Kaya pinag-aaralan ng mga doktor kung kailangan na niyang i-kidney transplant.

Parang bago na raw lahat kapag ma-kidney transplant siya at hindi na niya kailangang i-dialysis linggu-linggo.

Continue reading below ↓

Pero ipinagmamalaki ni Mike na maayos ang nararamdaman niya ngayon dahil sinusunod niya ang payo ng kanyang doktor.

Aniya, “Wala akong ginagawa na walang clearance ng doktor.

“Hindi ako gagawa ng hindi alam ng doktor at walang pahintulot ng doktor.

“Ngayon, kung tatanungin ninyo kung ano ang pakiramdam ng katawan ko?

“Minsan kasi, iba ang sinasabi ng doktor, iba rin ang sinasabi ng katawan mo.

“May kasabihan sa English, ‘listen to your body.’ I will do that, I am extremely well.”

NOEL FERRER: Katulad ng lagi mong sinasabi, Tito Gorgy, health is wealth.

Kahit hindi kita nasasamahan sa pagsu-zumba at pagba-body jam mo, yes, I’m listening to my body, too.

Hanga ako kay Sir Mike Enriquez, ngayon, now everything in moderation.

Tanggap ng mga tao ang kanyang pagli-leave noon dahil ang kapalit ay ang bago at mas malusog na Sir Mike “Ehem, Ehem, Excuse Me Po” Enriquez!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Noon pa man ay ipinagmamalaki ko na pinapakinggan ko ang sinasabi ng aking katawan.

Na ramdam ko sa aking batok kung kailan mataas ang aking blood pressure.

PERO... hayun nga, noong Mayo 28 ng tanghali ay biglang nagdilim ang aking paningin. Nanghina ang aking mga tuhod at bumagsak ako.

Mabuti at naisugod ako ng mga kaibigang Gorgy Rula at Morly Alinio sa ospital.

Magpa-check up tayo tuwi-tuwina. Umiwas sa bisyo. Mag-exercise. Mag-ingat sa kinakain.

Matulog at magpahinga nang sapat. Maghinay-hinay. Umiwas sa stress. Iwaksi ang negatrons.

Manalangin at ipagpasalamat lagi sa Panginoon ang buhay na ipinahiram Niya sa atin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results