Vickie Rushton, may naghihintay na "big plans" pagkatapos mabigo sa Bb. Pilipinas

by PEP Troika
Jun 13, 2019
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook

NOEL FERRER: Mukhang tama si Jason Abalos sa sinabi nito sa akin pagkatapos ma-Lotlot ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton sa Binibining Pilipinas 2019.

Ang sabi ni Jason, “Sayang lang, kasi kaya niyang sagutin iyun sa Q&A, e. Na-distract lang siya sa nag-ingay na audience.

“At naisip ko, baka hindi rin siguro para sa kanya ang kahit anong crown doon. May ibang plano si Lord.”

Maganda na ipinapakita ni Jason ang kanyang suporta kay Vickie after ng nangyari.

Nakakatuwa na sa Facebook post ni Direk Joey Reyes nitong Hunyo 13, Huwebes, ay nagsabi na, “Meeting with Vickie Rushton for big plans ahead. #behappy”

Kasama sa meeting ang Regal heiress na si Roselle Monteverde.

Abangan na lang natin ang niluluto nilang “big plans” na mukhang blessing-in-disguise.

GORGY RULA: Tama na siguro yung alibi kung bakit hindi nakasagot si Bb. Rushton sa Q&A. Parang nakakahiya.

Continue reading below ↓

Kung sino pa yung taga-showbiz, yun pa ang nadi-distract sa iba't ibang taong kaharap.

Move on na at mag-focus na lang si Vickie sa showbiz career.

Kung gusto niyang sumali uli, hintayin na lang ang tamang panahon para sa kanya.

JERRY OLEA: Kung hindi ukol, hindi bubukol. Que sera, sera.

Gasgas ang mga kasabihang ito pero totoong-totoo.

Maging ang paglaglag ng isang dahon ay may dahilan, pero sino ang dapat sisihin sa pangyayaring ito?

Ang hangin na umihip? Ang tangkay na hinayaan itong mahulog? O ang dahon mismo na napagod sa pagkapit?

Walang idudulot na mabuti ang pagpapapaka-negatron.

Move on-move on pag may time! I-welcome ang good vibes.

And I thank you.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results