Cong. Dan Fernandez, isasabatas na gawing Friday ang first day of showing ng mga pelikula

by PEP Troika
Jun 14, 2019
PHOTO/S: Dan Fernandez Facebook

GORGY RULA: Ayon sa reliable source ng PEP Troika, naka-PHP3.6M ang pelikulang Clarita sa second day of showing nito.

Halos 50% ang ibinaba, pero okay pa rin iyon kumpara sa mga nakaraang pelikula natin na hilahod talaga sa takilya.

Kaugnay nito, nakatsikahan namin sa Ang Probinsyano party-list Thanksgiving party noong Hunyo 11, Martes, ang nagbabalik sa Kongreso na si Congressman Dan Fernandez.

Ibinalita niya sa amin na ang unang bill na ipapasa niya ay ang pagbabago ng playdate—Biyernes na ang first day of showing ng mga pelikula at hindi na Miyerkules.

Napagkasunduan na ito noon ng filmmakers, theater owners—kasama ang mga nasa ahensiya ng gobyerno na sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño at Movie and Television Review and Classification Board Chairperson (MTRCB) Rachel Arenas.

Inaayos lang iyong pag-hold sa mga sinehan kung mahina ito sa unang araw ng showing.

Pahayag ni Dan: “I was able to talk to Liza Diño. Sabi niya, baka magkaroon ng executive order ang Presidente na ang sabi niya, ang movie playdate natin, instead of Wednesday, magiging Friday na.

Continue reading below ↓

“At magkakaroon tayo ng parang fix na three days na walang alisan sa mga sinehan.

“Isasabatas natin iyon, extend natin iyan for one week. Nang sa ganoon, nakakabawi talaga yung producers natin.”

Nangako ang actor-politician na itong bill ang una niyang ipapasa sa Kongreso pagkaupo niya.

“When I spoke to Liza Diño, sabi niya, malapit na raw iyon.

“Pero kailangan ng legislation, kasi naman kung Executive Order lamang, baka after nang mawala si Presidente Digong, hindi na ma-implement. So, isabatas natin iyan.

“Inaayos ko na iyong bill, so by June 30, i-file natin iyan agad,” dagdag na pahayag ni Dan.

JERRY OLEA: “Be careful what you wish for, it might just come true.”

Kung magkatotoo na maging Biyernes na ang opening ng mga bagong pelikula sa bansa, at hindi pwedeng i-pull out sa unang tatlong araw ng showing, ano kaya ang posibleng consequences?

Panonoorin ng mga tao ang pelikulang gusto nilang panoorin kahit anong araw ang opening niyan.

Continue reading below ↓
At hindi nila pagkakagastusan ang pelikulang hindi interesting para sa kanila, lalo pa’t ang mahal-mahal ng mga bilihin at sa tuwi-tuwina ay may magagandang panoorin sa Netflix.

Idealistic masyado kung ipagpipilitan na walang pull out-pull out sa loob ng pitong araw. Maraming factor ang dapat timbanging mabuti sa ganyang panukala.

E, iyon ngang komposisyon ng CEB (Cinema Evaluation Board), hindi ba’t pag-upo noon ni FDCP Chair Liza Diño ay nagrekomenda na siya ng 20 bagong members? Naaprubahan na ba iyon?

Sa pagkakaalam ko, ang mga nakapuwesto ngayon sa CEB ay appointed noon pang panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi kasalanan ng CEB members na overstaying sila, dahil wala pang ipinapalit sa kanila.

Kung iyong pag-a-appoint ng bagong CEB members ay natatagalan, good luck sa pagsasabatas ng Friday playdate sa mga bagong pelikula.

NOEL FERRER: Aabangan natin ang developments sa pag-a-adjust ng playdates.

Basta ba makakabuti sa industriya at nadaan sa tamang proseso at konsultasyon, susuportahan natin ang anumang hakbang na makakatulong sa stakeholders ng industriya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Dan Fernandez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results