StarStruck season 7, eere na mamayang gabi

by PEP Troika
Jun 15, 2019

GORGY RULA: Mamayang gabi na mapapanood ang pilot episode ng StarStruck na nasa season 7 na.

Napanood sa YouTube channel nitong Inside StarStruck ang proseso ng audition kaya ipapakilala na mamayang gabi ang 22 hopefuls.

Doon pipiliin ng tatlong StarStruck Council members ang papasok sa Final 14.

Ang alam kong pasok sa 22 ay ang kapatid na babae ni Ruru Madrid na si Rere, ang anak ng dating taga-That’s Entertainment, at isang Muslim na medyo naninibago raw sa ganoong talent reality search.

Continue reading below ↓

Medyo nahirapan nga raw ang tatlong miyembro ng StarStruck Council na sina Heart Evangelista, Jose Manalo at Cherie Gil.

Bago pa lang sila sa pag-judge sa ganitong competition kaya maingat sila sa pagpili kung sino ang swak sa Final 14.

“This is my first time mag-judge. Nahirapan ako kasi siyempre, lahat naman sila, magaling. It’s an experience,” pakli ni Heart.

Continue reading below ↓

“I’m glad to be part of the council. I’m honored that they trust me with making the choice of the final 14. That’s the hardest part, e.

“Kasi, pagpasok na ng 14, meron na kaming katulong sa viewers. That’s kinda easy task. Kami talaga, ang pipili sa first 14. So, their dream is in our hands, ang hirap.

“So, we’ll be very very careful in our choices,” pahayag naman ni Cherie na wala raw talagang ideya tungkol sa StarStruck.

Sabi ni Jose na sanay na raw sa mga nagpapa-audition sa Eat Bulaga, “Galing kasi ako sa audition sa Eat Bulaga.

“May mga nag-audition sa singing, sa dancing, sa acting. Doon kasi puwedeng pabalikin mo. Dito, kailangan talagang mag-decide ka na.”

Bukas, Linggo, ay mapapanood naman ang StarStruck pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

JERRY OLEA: Ang sabi ng male host na si Dingdong Dantes, nakakatawa ang dynamics ng tatlong hurado ng StarStruck Season 7 na sina Cherie, Heart at Jose.

Continue reading below ↓

Siyempre, madalas magtalo sina Cherie at Heart.

Naka-relate ba si Jose sa dalawa na kapwa sosyalin at Inglesera?

“Hindi!” natawang pag-iling ni Jose sa mediacon ng StarStruck noong nakaraang Lunes, Hunyo 10, sa GMA Annex Bldg sa Quezon City.

“Hindi! Pag nag-uusap sila, hinahayaan ko lang. So, kung ano yung naiintindihan ko, doon na lang ako sumasagot.

“Pero... masarap silang kasama, e. Nakakatuwa nga, ako lang yung nagbe-break pag medyo kailangan na natin... oops! Kumalma muna tayo.

“Ibe-break ko. Pero sumasapo naman sila. Sabi ko nga, anong atake ba yung gagawin ko sa kanilang dalawa?

“Siyempre, iba yung kinamulatan ko. Iba yung show na ginagawa natin. Alam kong joke. Hindi mo kailangang mag-prepara ng joke.”

Takot nga ba siya kay Cherie?

“Madali akong ma-intimidate pag alam kong magaling, mga professional talaga ang nakakaeksena ko,” pag-amin ni Jose.

Kung madalas magtalo sina Cherie at Heart, kanino siya madalas kumampi o umayon?

Continue reading below ↓

Natigilan si Jose bago dahan-dahang sumagot, “Hindi ko puwedeng kampihan si Heart, kasi... mataray si Cherie!

“Hindi ko rin puwedeng kampihan si Cherie, ang ganda naman ni Heart! Hahahaha!

“Pareho lang naman sila. Wala akong kinakampihan. Basta ako, ang nangyayari nga minsan, nakapili na sila, sa akin yung huling desisyon.

“Sabi ko, ‘Aba, bahala kayong dalawa d'yan! Kayo rin lang ang nag-decide, e!’ Di ba?

“Maganda naman yung rapport namin sa nakikita ko. May kanya-kanya kaming ginagawa.”

NOEL FERRER: Dream. Believe. Survive. Sana, nasa bagong StarStruck search na ito ang susunod na magiging GMA Superstar. Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results