Sen. Manny Pacquiao, may pasabog na concert sa September

by PEP Troika
Jun 15, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Gaganapin ang Manny Pacquiao Live In Concert 2019 sa Setyembre 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Walo hanggang sampu ang kakantahin ng Pambansang Kamao—solo at duet, Tagalog at English.

Ito ang unang major concert ni PacMan sa Pilipinas.

Ipapalabas ito sa iba’t ibang bansa sa Asya, ayon sa business manager niyang si Arnold L. Vegafria.

“Music empowered me, and people around me know that I love singing so much,” pagbasa ni Senator Pacquiao sa kanyang talumpati nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Hunyo 14, sa Shangri-La Makati.

Nais niyang pagsama-samahin at pagkaisahin ang kanyang fans sa musical celebration kung saan ilulunsad din ang kanyang PAC Token.

Libre ang naturang concert na prinodyus ng Global Crypto Offering Exchange (GCOX), sa pakikipagtulungan ng ALV Events International.

Dagdag ni Senator Pacquiao, “To give back, we want my fans to come, enjoy a beautiful evening with me at the Smart Araneta Coliseum without having to pay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s free. There’s no need to pay a single cent.

“Thank you so much for this opportunity. Actually, I stopped singing since... ahh... eight years ago, nine years ago.

“So, now, it’s my comeback.”

Natawa ang mga nasa mediacon, at nagpalakpakan.

“Because I don’t think singing is for me,” natatawang pahayag ni Pacman.

“But I can sing. Just for you. For you, guys. For the fans. And for the people.”

GORGY RULA: Mahilig naman kasi talaga kumanta si Sen. Pacquiao.

Nakikita ko dati sa taping sa sitcom niya sa GMA-7 at shooting ng pelikulang ginagawa niya dati, lagi siyang may dalang gitara at kumakanta kapag naghihintay ng take.

Tiyak namang panonoorin ito dahil Manny Pacquiao siya, hindi dahil sa magaling siyang kumanta.

Pero ang nakakatuwa rito, nahahanay si Sen. Pacquiao sa iba pang kilalang international celebrities na kinuhang business model nitong cryptocurrency exchange.

Sa pagkakaalam ko, private investors and advisers din ng GCOX ang football legend na si Michael Owen, ang tennis superstar na si Caroline Wozniacki, at pop artist na si Jason Derulo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag ni Sir Dr. Jeffrey Lin, CEO ng Singapore-based GCOX, “While Senator Manny is busy serving his people, we hope to help him reach out to his fans and engage them regularly.

“By having his PAC Tokens, they become a privileged group who will have opportunities to connect with him on a whole new level.

“GCOX will provide such a revolutionary fan-celebrity engagement platform.”

NOEL FERRER: Good luck sa September concert ni Senator Manny Pacquiao!

Sana, para may konek sa millennials, isama sina Jimuel Pacquiao at Heaven Peralejo.

Next month ang laban nina PacMan at Thurman sa Las Vegas, Nevada.

If ever, ito kayang concert ni Pacquiao sa Big Dome ang magiging celebration for the victory at 'hello retirement' niya mula sa kanyang makulay na boxing career?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results