Tony Mabesa, "devastated and angry" sa nangyari kay Eddie Garcia

by PEP Troika
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Sa 28 acting nominees ng 3rd Eddys, pinakamaagang dumating ang 84-anyos na si Tony Mabesa sa Nominees’ Night nitong Hunyo 15, Sabado, sa Annabel’s, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Nominadong best supporting actor si Tony para sa Rainbow’s Sunset.

Inurirat namin ang beteranong aktor kung gusto niyang mauna na siyang pagkalooban ng certificate of nomination para makauwi siya agad.

Hindi raw. Hinihintay niya si Direk Joel Lamangan.

OK lang sa kanya na makibahagi sa programa mismo.

Nagpaunlak din siya ng interbyu.

Inusisa namin kung paano inalagaan silang veteran stars (Tony, Eddie Garcia, Gloria Romero) sa shooting ng MMFF 2018 official entry na Rainbow’s Sunset, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

“E, ano naman si Joel, actor’s director talaga,” sambit ni Tony.

“Ganoon. Alagang-alaga kami!”

May konsiderasyon si Direk Joel sa mga beteranong artista, kahit nakakalimutan nila minsan ang dialogue.

“Si Eddie, he had difficulty with the lines. So, ginagawa ko, ‘Ed, let’s throw lines.’ Iyon!

Continue reading below ↓

"Si Gloria, walang problema, e. Up to now, ha?!" pahayag ni Tony.

Professional sa trabaho ang tatlong beteranong artista, mula sa storycon hanggang sa pagdalo sa awards ceremonies.

“I’ve worked with them many, many times, at sabi ko nga, there’s a saying sa theater, ‘You’re only as good as your co-actor.’

“So, nadadala ka pag magagaling ang kaeksena mo.

“At alam mo naman sa set ni Joel—you’re there to work,” lahad ni Tony.

Anong naramdaman niya nang mabalitaan ang nangyari kay Eddie noong Hunyo 8, Sabado, sa taping ng TV series na Rosang Agimat sa Tondo, Manila?

“Devastated. And angry in a sense, na bakit naman napatid [sa kable] ang Eddie Garcia?

"E, alam naman nila, action scene... dapat yun, kini-clear!” bulalas ni Tony.

“Di ba naman? Kaya sabi ko nga, when I came here... kung OK si Eddie, unang-una ‘yan dito!”

Si Tony ang nag-receive ng certificate of nomination nina Eddie (best actor nominee) at Gloria (best actress nominee) mula kina FDCP Chairperson Liza Diño at SPEEd President Ian Fariñas.

Continue reading below ↓

Ang 3rd Eddys ay gaganapin sa Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Ite-telecast ito sa Hulyo 21 sa Colours Channel ng Cignal TV.

NOEL FERRER: Kumusta na ba si Tito Eddie Garcia after ng DNR (Do Not Resuscitate) na position ng family niya?

Ang sabi ng isa sa mga dumalaw sa kanya na may alam sa medisina, “He may be brain dead but his heart is strong.”

Whatever that means, magandang test sa mga susunod pang mga award-giving body kung present man o hindi, ibibigay ba nila kay Tito Eddie ang best actor award na aminin natin ay karapat-dapat na mapasakanya!

Let’s wait and see!

GORGY RULA: Sa senior actors talaga naka-focus ngayon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema.

Kaya ganoon na lang ang pighati ng lahat dahil si Eddie Garcia sana ang mangunguna.

Pero walang may kagustuhan nito. Aksidente ang nangyari.

Continue reading below ↓

Sabi nga ng kapatid ni Sir Eddie na si Direk Santiago Garcia, nakakabigla ang mga pangyayari at hindi nila akalaing mangyari ito sa beteranong aktor.

Harapin na lang natin ang matinding dagok sa ating industriya at patuloy pa rin ang ating pagdarasal.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results