KathDen movie, malampasan kaya ang kinita ng KathNiel movie?

by PEP Troika
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez

GORGY RULA: Ang galing ng Star Cinema na sinimulan nila ang promo ng pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Poster at Playdate Reveal nitong Hunyo 15, Sabado nang 4:00 PM sa ABS-CBN Studio Experience sa Trinoma, QC.

Ipapakita lang naman ang poster ng naturang pelikula at ia-announce na sa July 31 ang showing nito, ginawan talaga ng isang event na dinagsa ng napakaraming fans nina Kathryn at Alden.

Dumalo ang dalawang bida kasama ang isa sa mga cast na si Kakai Bautista.

Kaagad itong nag-trending sa Twitter.

Noong Hunyo 14, Biyernes ng 8:37 P.M., sa FPJ’s Ang Probinsyano unang napanood ang teaser ng Hello, Love, Goodbye, at sabay na ring in-upload sa lahat na digital portal ng Kapamilya network.

Wala pang 20 oras, naka-1M views na ang teaser sa Facebook, 700K views sa YouTube, at 691K views sa Twitter.

Tuwang-tuwa sina Kathryn at Alden dahil positive ang feedback sa teaser ng kanilang movie.

Continue reading below ↓

More and more and more ang nagpa-schedule ng block screening na ini-sponsor ng fans ng dalawang bida.

Kaya hinuhulaan nang maganda ang kalalabasan nito sa takilya.

Napaatras si Alden nang tinanong silang dalawa ni Kathryn kung nakini-kinita ba nilang malagpasan nito o mapantayan man lang ang kinita ng The Hows of Us.

Kuwento naman ni Kathryn, noong ginagawa nila ang THOU pati ang Three Words to Forever, sinasabi sa kanya ni Direk Cathy Garcia-Molina na alisin sa isipan nilang dapat malagpasan o mapantayan ang kinita ng blockbuster movie nila ni Daniel Padilla.

“Hindi naman namin ini-expect yung sa The Hows of Us, e,” saad ni Kathryn.

“Ang importante, material. May tiwala ako sa material na ‘to. So, super proud ako sa project na 'to.

“Yun, more than the ano… sana maging successful.

"Sana tanggapin ng tao, at sana maraming maka-relate.”

NOEL FERRER: All signs and all elements point to a big blockbuster.

Continue reading below ↓

From all the promo hype and publicity, sana talaga ay maiangat pa ng Hello, Love, Goodbye ang viewership ng pelikulang Pilipino sa mga sinehan.

No doubt, we all need a big local blockbuster that’s not part of the MMFF.

The KathDen movie has a chance to be it, IN FAIRNESS!

JERRY OLEA: Iyong pag-“I love you” pa lang ni Kathryn kay Alden sa teaser, matinding kilig na ang idinulot sa akin.

Matapos ang Poster & Playdate Reveal kahapon sa Trinoma, 6 P.M., ay dumiretso ang KathDen sa dubbing para sa full trailer at movie.

Hindi tuloy nakadalo si Kathryn sa Nominees’ Night ng 3rd Eddys kagabi sa Annabel’s, Morato Avenue, QC.

Nominadong best actress si Kathryn sa 3rd Eddys para sa The Hows Of Us.

Ang tumanggap ng certificate of nomination ni Kathryn ay si Ogie Narvaez-Rodriguez, na malapit sa young actress at sa ina nito.

Wish ko lang na maging presenters ang KathDen sa 3rd Eddys na nakatakda sa Hulyo 14, Linggo ng gabi, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Cubao, QC.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results