Kisses Delavin, inanunsiyong matagal nang buwag ang DonKiss loveteam

by PEP Troika
Jun 16, 2019
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic

JERRY OLEA: Matagal nang buwag ang love team nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

Tahasan itong sinabi ni Kisses sa Instagram post niya nitong Hunyo 16, Linggo ng umaga.

Nag-post si Kisses kaugnay rito dahil may fans na “asado na, hopia pa” sa tambalang DonKiss.

Napag-alaman ni Kisses na may DonKiss supporters na nagbabalak mag-assemble nitong Linggo ng umaga, sa ABS-CBN para umapela.

Ang nakakaloka sa IG post, ang nailagay ni Kisses na petsa today ay 26th June 2019.

Tuliro ba si Kisses?

View this post on Instagram

Good morning. Here is my statement regarding DonKiss.

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

GORGY RULA: Hindi kaya gimmick lang ito lahat?

Typo error lang ang date.

Pero kapag may bagong pakulo na naman sa 26th of June, another gimmick na naman ito.

JERRY OLEA: Kabilang ang DonKiss (Walwal) sa sampung tambalan na nominado sa kategoryang Movie Loveteam of the Year ng 35th PMPC Star Awards for Movies.

Ang nagwagi ay ang KathNiel para sa The Hows Of Us.

Doon pa lang sa A Life Full of Kisses concert noong Abril 25 sa Music Museum, wala nang puwang si Donny sa puso ng dalaga.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Grow up, Kisses. More than mga usapang love team, mas maganda sigurong makilala ka sa iyong kahusayan.

I’m sure, si Dony Pangilinan ay maraming ibang inaasakiso ngayon.

There must be a bigger world out there than your ex-love team.

Sana, love team lang ang naging “long been over”—hindi ang career ninyo.

At may media black out talaga about it, ha! Really?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results