Juris Fernandez, namaos sa kanyang major concert

by PEP Troika
Jun 17, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: First rate ang production ng JURIS concert noong Hunyo 15, Sabado, sa Newport Performing Arts Theater.

Lahat ng aspect ng palabas ay pinaghandaan at pinaglaanan ng effort.

But an unforseen thing happened—napaos si Juris Fernandez.

It happens to the best of them.

But in the end, in a packed crowd that had former ABS-CBN President Charo Santos-Concio and her family beaming with pride for her son Francis’s first musical direction ever with the Metro Music Orchestra, Juris sang her heart out.

Even if she was losing her voice, people felt her, loved her, and applauded for her until the end.

Sabi ng manager ni Juris na si Carla Concio, “Nine months of planning to create a wonderful show. But something happened that was way beyond our control.

“An hour before the concert, Juris told me her voice wasn't well. People told me that we should've cut it short.

Continue reading below ↓

“Yes! We could've done it! But the Juris I know will fight until the very end.

“She may look fragile but she's a tough lady. She may cry buckets of tears but she won't easily give up.

“She thought of the people who came to watch the show, the musicians who worked so hard.

“She thought of Francis, that it was his first concert, her family who are always rooting for her. And everyone who were with us in this journey.

“Last Saturday, she opened her heart to everyone. It wasn't perfect. But it was beautiful! We’ll always be proud of you, Juris.”

As the song goes, "I make no apologies. This is me!"

Sabi ni Concert King Martin Nievera, who lent Juris his support, “You cannot do anything that these people here won’t like. We all love you!!!”

Continue reading below ↓

Bumilib ako sa kapatid ni Juris na si Ate Yen na punong-abala noong gabing yun.

Todo affirm at pakalma siya kay Juris na mararamdamam mo ang pagka-close nilang dalawa.

To the rescue rin ang isa pang guest ni Juris na si Jay Durias, na kababayan niya from Davao.

Nakamamangha rin ang pagsalo sa kanya ni Ice Seguerra, na sinamahan si Juris sa stage nang awitin nito ang hit collaboration nilang "Di Lang Ikaw" na naging anthem ni Juris as a solo artist.

May narinig ba kayong nega comment about the concert last Saturday? Wala!

Dahil well-loved si Juris at ramdam na ramdam ‘yan sa nangyari last Saturday.

GORGY RULA: Mabuti na lang at mabait ang Pinoy audience pag dumating sa ganoong pagkakataon ang performers natin. Naiintindihan nila.

Pero, yun ang hindi talaga dapat mangyari sa isang singer na magku-concert, kaya dapat na mag-ingat at huwag magpaka-stress.

Kahit tinatanggap ng audience at naintindihan nila, I’m sure, hindi masaya si Juris dahil ang tagal nilang pinaghandaan, yun lang pala ang mangyari.

Continue reading below ↓

Nagpaturok kaya siya ng steroids para bumalik lang ang boses niya?

JERRY OLEA: Noong Hunyo 15, Sabado ang Shine XXII AD concert ni Anton Diva sa Cuneta Astrodome.

Dinagsa ng media people at stand-up comedians ang palabas, kung saan panauhin sina Vice Ganda at Regine Velasquez.

Noong gabi ring iyon ang Nominees’ Night ng 3rd Eddys (Entertainment Editors Choice).

Dumalo rito sina Dingdong Dantes, Paolo Contis, Glaiza de Castro, Cherie Gil, Tony Labrusca, Ricky Davao, Tirso Cruz III, Tony Mabesa, Direk Joel Lamangan, FDCP Chair Liza Diño, Ken Ken Nuyad, Direk Dakip “Kip Oebanda,” at iba pa.

Bonggacious ang sidelights at mga interbyuhan dito.

Noong Sabado rin ang pilot ng 7th season ng StarStruck sa GMA-7, at ang Poster & Playdate Reveal ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

Sa mga naka-Netflix na mahilig sa K-drama, may bagong episode noong Sabado night ang Arthdal Chronicles nina Song Joong-ki at Jang Dong-gun.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, Hunyo 16, Linggo, pinagpugayan ng FDCP ang 94-anyos na aktres na si Anita Linda.

Andiyan pa ang binyag at first birthday party ng ikalawang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Siyempre pa, more & more ang mga hanash at kuda sa Araw ng mga Ama. Kaya wala sa hinagap ng marami ang concert ni Juris.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results