Sue Ramirez at RK Bagatsing, gaganap bilang sex workers sa Cuddle Weather

by PEP Troika
Jun 18, 2019

JERRY OLEA: Gustung-gusto ko ang pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi, isa sa walong official entries ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong Agosto 15-21.

Pinagbidahan ito nina Sue Ramirez at Jameson Blake, sa direksiyon ni Jun Lana.

Kaya tuwang-tuwa ako nang mabalitaang si Sue ang babaeng bida sa PPP 2019 entry ni Direk Rod Marmol na Cuddle Weather.

Ang lalaking bida ay si RK Bagatsing.

Nag-looktest sila nitong Hunyo 16, Linggo, at ipinangalandakan ni Direk Rod sa Facebook, “Nandito na sina Adela at Ram, di lang huhugot, babaon din.”

Sex workers sina Adela at Ram.

Continue reading below ↓

Nakakatigalgal ang matatapang na linya sa pelikula. Malamang sa alamang na ikahimatay ito ng mga manang.

“Puro siya bakbakan in a very sexual way. Pokpokan siya talaga!” nakangiting sambit ni Direk Rod sa launch ng 3rd PPP noong Marso 28 sa Gloria Maris, Gateway Mall, Araneta Center, Q.C.

Ang mensahe ng Cuddle Weather ay para sa kasalukuyang henerasyon na lubhang aktibo sa pakikipagtalik.

Keri nina Sue at RK na maging “sex icons na hindi lang malibog kundi matalino”!

Ang Cuddle Weather ay joint venture ng Regal Entertainment at Proj. 8 corner San Joaquin.

NOEL FERRER: Maliban sa Cuddle Weather, kaabang-abang din ang ibang entries sa PPP na nakapasok na through script submission.

Balita ko, exciting din at interesting ang iba pang nag-submit ng finished films or films na nasa late stage of post-production.

Susuportahan natin ang lahat ng efforts para mapaunlad at mapaangat ang pelikulang Pilipino!!!

JERRY OLEA: Nilinaw ni Direk Rod na ang pelikulang Cuddle Weather ay hindi pampalibog.

Continue reading below ↓

“Ang world view rito, it’s a world na puro love making, pero less of the making part, more on the love,” pagdidiin ni Direk Rod.

Hindi kailangang magpakita ng boobs o p*kp*k si Sue. Hindi kailangang magbuyangyang ng t*t* si RK.

Kailangan lang mabigyan nila ng hustisya ang karakter nina Adela at Ram na aminadong pokpok, nagbebenta ng katawan para maka-survive.

GORGY RULA: Bilang isang ama na may isang 15-year-old son, nararanasan ko ngayon ang hinaharap na challenges ng mga kabataan.

Naging mapusok na sila at tila mahalaga ang sex sa pakikipagrelasyon.

Kaya sa mga magulang, dapat na mag-ingat sila at magbantay sa mga anak nila.

Dapat maging open ang mga anak sa kanila at i-monitor nang mabuti ang pinapanood ng kanilang mga anak sa TV, sa pelikula, at pati sa internet.

Iba na kasi talaga ang pagiging mapusok ng millennials at gen Z sa ngayon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results