Feelennial, nakakaiyak sa tawa; Ai-Ai at Bayani, perfect ang talakan

by PEP Troika
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Napaiyak ako sa katatawa sa pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) nang mag-premiere ito nitong Hunyo 17, Lunes ng gabi, sa SM Megamall.

Perfect ang mga talakan at patutsadahan nina Madame Bato-bato (Ai-Ai delas Alas) at Chito (Bayani Agbayani).

Wala silang kamalay-malay na sila rin ang textmates/chatmates na sina Simple Sexy Girl at Promdi Boy. Pareho kasi silang poser sa socmed.

Ginamit ng biyudang si Madam Madam bilang profile pic ang litrato ng kanyang kakambal (Pops Fernandez).

Siyempre, ang ginamit naman ng solterong si Chito ay litrato ni Martin Nievera.

Continue reading below ↓

Nagpabagal sa takbo ng istorya ang subplot kaugnay sa unico hijo ni Madame na si Nico (Arvic Tan na limang taon na sa showbiz).

Ang GF ni Nico ay si Efril (Raffy Roque) na pamangkin ni Chito.

May sequences na puwedeng i-delete, o ayusin sa editing, pero hayaan na natin ang mga iyon.

Graded B ng CEB ang Feelennial, at rated PG ng MTRCB.

Idinirek ito ni Rechie del Carmen, at co-produced ng Cignal Entertainment at DSL Productions.

Showing na ito umpisa Hunyo 19, Miyerkules.

Nawa’y tangkilikin ito ng local audience. Nakakaaliw po ito, promise!

NOEL FERRER: It’s all in the family.

Papanoorin ko ito lalo pa’t producer si Pops, may cameo si Martin, musical scorer ang anak nilang si Robin, at nag-animate si Ram.

“It’s really a family affair!” sabi ni Pops.

Sana nga kumita, para masundan pa ito ng mas maraming pelikula, mula rin sa Cignal—na siya ring ka-partner sa mga pelikulang Born Beautiful, Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, Maledicto, at ito ngang Feelennials.

Continue reading below ↓

Good luck!

JERRY OLEA: Nag-premiere ang dulang Illatszertar noong 1937 sa Pest Theater ng Budapest, Hungary.

Ang English title nito ay Parfumerie.

Ang playwright ay si Miklos Laszlo (1903-1973) na ipinanganak sa Budapest, pero naging naturalized American citizen.

Ang istorya ng nasabing dula ay ginamit sa Hollywood movies na The Shop Around The Corner (1940, starring Margaret Sullavan & James Stewart), In The Good Old Summertime (1949, starring Judy Garland & Van Johnson), at You’ve Got Mail (1998, starring Meg Ryan & Tom Hanks).

In-adapt din iyon bilang Broadway musical na ang title ay She Loves Me (1963 ang unang performance, at ilang ulit ni-revive).

Sa istorya, magkaaway ang dalaga at binata, na walang kamalay-malay na magka-pen pal ang isa’t isa.

Sa You’ve Got Mail, nag-e-email ang dalawang bida.

May bahid ng Parfumerie ang pelikulang Feelennial (Feeling Millennial) nina Ai-Ai at Bayani.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results