Joel Lamangan, nanalong Best Supporting Actor sa Urian Awards

by PEP Troika
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Nagkita kami ni Direk Joel Lamangan sa palikuran ng UP Film Institute nitong Hunyo 18, Martes, bago ganapin ang 42nd Gawad Urian.

Aniya, ang daming namba-bash sa kanya dahil sa matatapang niyang pahayag kaugnay sa aksidente ni Eddie Garcia na naiulat namin dito sa PEP.ph.

Ang sabi naman namin, mas marami ang natuwa dahil sa pagmamalasakit niya para sa mga beteranong artista.

Aba! Good karma si Direk Joel!

Wagi siya bilang best supporting actor sa Urian kaugnay sa pagganap niya sa School Service.

Ito ang kauna-unahan niyang acting award sa local movie industry.

Congrats, Direk Joel!

NOEL FERRER: Ang parangal kay Direk Joel Lamangan ay nagpapatunay na hindi lang siya mahusay na direktor kundi magaling din na aktor na siya niyang pinagsimulan.

Mahal natin si Direk Joel. Maligaya tayo sa kanyang parangal.

Umaaasa tayo ng marami pa niyang obra—bilang direktor man o aktor—na laging may tatak ng kahusayan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results