Cherie Gil, nanalong Best Supporting Actress for the first time sa Urian

by PEP Troika
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Jerry OIea

NOEL FERRER: Absent si Cherie Gil noon sa 35th Star Awards for Movies kung saan siya nanalo bilang Best Supporting Actress para sa Citizen Jake.

Pinag-commit na siyang host ng 42nd Gawad Urian nitong Hunyo 18, Martes, sa UP Film Center, UP Diliman, Quezon City, para wala siyang kawala.

Nagbunga iyon dahil siya ang nagwaging Best Supporting Actress sa Urian sa pagganap bilang Patty Medina, ang matronang manhid na bugaw sa mga yayamanin at makapangyarihang kliyente, sa Citizen Jake.

Sentimental si Cherie dahil 1st Urian niya at ang sabi niya’y best birthday gift ito para sa kanya.

Nagwagi na si Cherie sa ibang award-giving bodies.

Isang sequence lang daw pala ang kailangan para magwagi siya sa Urian!

JERRY OLEA: Naunahan pa si Cherie ng pamangkin na si Sid Lucero na magka-Urian. Nakadalawa pa ito.

Ang kapatid niyang si Michael de Mesa, dalawa rin ang tropeyo mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Ang “sisters-in-law” niyang sina Gina Alajar at Jaclyn Jose, tiglima ng Urian.

Malaking karangalan para kay Cherie tuwing nano-nominate siya sa Urian.

Ngayon ay hindi na siya “second-rate trying hard” nominee lamang.

Sa wakas, ang matagal niyang pagkauhaw sa Gawad Urian ay natighaw!

At sana raw ay magwagi siyang muli sa Urian!

GORGY RULA: Naku! Huwag sanang magmaldita ang 3rd Eddys kay Cherie Gil para puwede siyang mag-grand slam.

Puwede naman talagang mapanalunan niya ang lahat ng award-giving bodies dahil magaling talaga siya sa Citizen Jake.

Tutukan natin iyan!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry OIea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results