KathNiel at AlDub fans, nagsanib-puwersa para sa Kathryn-Alden movie

by PEP Troika
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez

JERRY OLEA: Nagsanib-puwersa ang fans clubs ng KathNiel, Solid Kathryn, Solid DJ, Solid Alden, at Aldub para sa KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

Nakipag-meeting ang mga presidente ng mga nasabing samahan sa mga taga-Star Cinema nitong Hunyo 17, Lunes, sa Star Music Conference Room.

Pinanood nila ang trailer ng Hello, Love, Goodbye na next week pa ia-upload sa socmed.

Continue reading below ↓

“Sobra silang kinilig!” sabi ni Roxy Liquigan, head ng ABS-CBN Star Music nang maka-chat ko sa Messenger nitong Hunyo 18, Martes ng hapon.

“OK ang meeting. Direk Cathy Molina-Garcia dropped by and said hello. Also Carmi Raymundo and Direk Olive Lamasan.

“So far, nasa 90+ block screenings na tayo.”

WOW! Sa Hulyo 31 pa ang showing ng Hello, Love, Goodbye ngunit ngayon pa lang ay kasado na ang ganoon karaming block screenings?!

For sure, inaabangan na rin ang KathDen movie ng mga Pinoy sa abroad!

GORGY RULA: Nakausap ko ang ilang taga-GMA Artist Center, sobrang natuwa sila sa magandang pagtrato ng Star Cinema at taga-ABS-CBN kay Alden.

Kaya open ang schedule nila para sa promo nito.

Hindi lang sa mall shows, kundi pati sa TV guestings.

Hindi pa sure, pero ang dinig kong inaayos ay ang guesting ni Kathryn sa Eat Bulaga, at si Alden naman ay maaaring mag-guest sa Umagang Kay Ganda at sa Magandang Buhay.

Continue reading below ↓

Sa non-primetime show yata puwedeng umapir si Alden sa ABS-CBN.

Kaya hindi siya naka-schedule na ma-interview sa Tonight with Boy Abunda.

Sayang. I’m sure, gustung-gusto rin siyang ma-interview ni Kuya Boy.

NOEL FERRER: Aabangan ko talaga kung malalampasan ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye ang kinita ng KathNiel movie na The Hows Of Us.

Ano sa tingin ninyo?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results