Eddie Garcia at Nadine Lustre, itinanghal na Best Actor at Best Actress sa Urian Awards

by PEP Troika
Jun 18, 2019

NOEL FERRER: Marahil, si Nadine Lustre na ang masasabing pinagpalang aktres ng kanyang henerasyon!

Binasbasan siya ng hindi lang isa, o dalawa, kundi tatlo sa pinagpipitaganang mga establisadong grupo ng kritiko tulad ng FAMAS, Young Critics Circle, at Urian para sa Never Not Love You.

Ito ang tatlong grupong walang matinding kapit sa kalakaran ng industriya.

Malinis at mahigpit nilang maipagtatanggol ang kanilang pamantayan base sa mga teoryang nakasalig hindi lang sa aliwan, kundi sa akademya.

Even the movie queen of her generation, Bea Alonzo, has yet to win an Urian.

Judy Ann Santos, Maja Salvador, Mylene Dizon, Iza Calzado, Alessandra de Rossi, among a few others are the only ones in the elite circle with Urian awards tucked in their credentials.

Dito nahihiwalay ang mga puti sa dekolor, kumbaga.

Other sentimental and deserving Urian winners are:

Best Actor — Eddie Garcia (ML)

Best Supporting Actress — Cherie Gil (Citizen Jake)

Continue reading below ↓

Best Supporting Actor — Joel Lamangan (School Service)

Best Director — Denise O’Hara (Mamang)

Best Picture — Buy Bust

Natatanging Gawad Urian — Gloria Sevilla

Truly, NADINE LUSTRE is the BEST ACTRESS of her generation.

She is rightfully, resoundingly, and unanimously the choice of the critics.

Continue reading below ↓

After the YOUNG CRITICS CIRCLE, FAMAS & URIAN, everything else heeds showbiz quotient.

JERRY OLEA: Sa 67th FAMAS Gabi ng Parangal sa Meralco Theater ay tabla bilang best actor sina Eddie Garcia (ML) at Victor Neri (A Short History of A Few Bad Things).

Dito sa 42nd Gawad Urian, solo na ni Manoy ang pagiging best actor para pa rin sa ML.

Sa programa ay nagsabi ang host na si Butch Francisco na mag-alay ang audience ng isang minutong katahimikan para kay Eddie Garcia.

Naka-20 seconds pa lang ay binasag na ni Butch ang katahimikan.

Masigabo ang palakpakan nang ihayag na si Eddie Garcia ang best actor.

Emosyunal ang direktor ng ML na si Benedict Mique na siyang tumanggap ng award.

Noong isang araw ay inihatid ni Direk Mique ang imbitasyon ng Urian sa pamilya ni Eddie na nasa Makati Med.

Ikatlong award na ito ng Urian para kay Eddie.

Naging best actor ito para sa Death Row noong 2001, at pinagkalooban ng Lifetime Achievement Award noong 2006.

Continue reading below ↓

Bahagi ng mensahe ng pamilya ni Eddie na binasa ni Direk Benedict, “While he has remained in a comatose state since June 8, the day of his accident, isipin ninyo siya ngayon na nakatayo rito at nakatanaw sa inyong lahat, abot-taynga ang ngiti... punung-puno ng buhay para sa industriyang pelikula na pinaglingkuran nang pitumpong taon.

“Muli, taos-puso ang pasasalamat ng aming pamilya.”

Inaasam ni Direk Benedict na tanghalin si Eddie Garcia na National Artist.

Masigabo ang hiyawan at palakpakan ng fans ni Nadine nang ihayag na siya ang best actress.

Kaso, waley si Nadine at ang tumanggap ng kanyang tropeyo ay ang Viva executive na si Bb. Baby Gil.

“Hindi pinakawalan si Nadine sa taping ng reality show na Moments sa Bulacan,” sabi ni Tita Baby.

“Judge sila roon ni Boy Abunda.”

GORGY RULA: Nagkakapareho na ng taste ang Urian at FAMAS.

Congratulations sa mga nagwagi, pero nagdurugo ang puso ko para kay Manoy Eddie dahil hindi niya personal na natanggap ang naturang award.

Continue reading below ↓

Huwag na nating tanungin ang fans nina Kathryn at Nadine kung alin ang mas credible na award-giving body, maguguluhan lang tayo.

Pero may aabangan tayong magandang pelikula kay Kathryn.

Ano kaya ang kaabang-abang kay Nadine? May maganda sanang plano ang Viva sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results