Rosang Agimat ng GMA-7, isi-shelve na dahil sa nangyari kay Eddie Garcia?

by PEP Troika
Jun 18, 2019
PHOTO/S: Allan Sancon

GORGY RULA: Kumakalat ang usap-usapang isi-shelve na raw ng GMA-7 ang Rosang Agimat dahil sa nangyari kay Eddie Garcia.

Wala pang announcement ang GMA Network tungkol dito.

Tinanong ko ang ilang taong involved sa bagong drama series na ito, at sabi nila ay wala pa silang nakukuhang ganoong impormasyon.

Ang narinig lang namin, magkakaroon ng meeting ngayong linggo ang production staff ng Rosang Agimat at ilang executives ng GMA-7.

Dito dedesisyunan kung itutuloy pa o tuluyan nang isi-shelve ang teleserye.

Wala pa raw ito sa timeline nila, sabi ng napagtanungan ko.

Ang huling order daw sa kanila ay stop taping, at pending ang final directive.

Kaya hintayin na lang muna ang official announcement ng GMA-7 kaugnay sa seryeng ito.

Sa ngayon ay patuloy pa ring tinututukan ang kalagayan ni Manoy Eddie, at pinababawasan na ang mga dumadalaw sa kanya sa ospital.

Pero kuwento sa amin ng ilang nakadalaw na, parang bumabata ang mukha ni Manoy Eddie.

Continue reading below ↓

Pero hindi pa kasi nagigising kaya naka-monitor pa rin lahat.

Sabi ng ilang apo ng beteranong aktor, parang ang blooming ngayon ng lolo nila.

Sana maganda ang kalabasan at magising na rin si Manoy Eddie at malagpasan niya ito.

JERRY OLEA: Hindi kataka-taka na blooming at bumabata ang hitsura ni Tito Eddie dahil wala siyang stress habang malalim na natutulog.

Malakas ang tibok ng kanyang puso. Maalaga siya sa kanyang katawan.

Dalawa ang nominasyon niya bilang best actor sa 42nd Gawad Urian—para sa ML at Hintayan ng Langit.

Magwagi kaya siya ngayong Hunyo 18, Martes, sa UP Cine Adarna ng UP Diliman?

Sa 3rd Eddys na gaganapin sa Hulyo 14 sa New Frontier Theater, nominado naman siyang best actor para sa Rainbow’s Sunset.

Tunay na dakilang artista si Eddie Garcia!

GORGY RULA: Noong nakatsikahan namin si Martin Nievera sa premiere night ng Feelennial nitong Hunyo 17, Lunes, sa SM Megamall, napag-usapan namin ang tungkol kay Eddie Garcia.

Continue reading below ↓

Naisip ni Martin na mabuti na lang at nakasama niya ang iginagalang na aktor sa isang entablado nang kinantahan niya ito sa nakaraang 35th Star Awards for Movies.

Si Manoy Eddie ang isa sa pinarangalang Natatanging Bituin ng Siglo ng PMPC Star Awards at kinantahan sila ni Martin.

Sumabay pa siya ng kanta kay Martin kahit hindi niya alam ang lyrics at ipinakita pa niya roon na malakas siya.

“You really don’t know, ‘no? Life is like that, snap of a finger,” pakli ni Martin.

“At least, yung last vision of him before he became quiet was happy.

“I will never forget that night. My prayers are with him,” dagdag niyang pahayag.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results