Ian Veneracion, itinangging ayaw siyang maka-back-to-back ni Patti Austin

by PEP Troika
Jun 19, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Sinagot ni Ian Veneracion ang isyung pag-atras ni Patti Austin sa back-to-back concert nilang dalawa sa Canada noong nakaraang Abril.

Ang unang kumalat na tsismis ay ayaw raw ni Patti na maka-back-to-back si Ian, na kaagad pinabulaanan ng Kapamilya actor.

Matagal na raw nakita ni Patti ang poster na magkasama silang dalawa.

“That’s not true. Nakita naman niya sa poster na kaming dalawa.

“I met her in Manila before noong nag-concert sila ni Jaya.

“That’s not true na she’s not aware.

“I think it had to do with sa vocals… siguro may hinahanap siyang sax player na hindi na-provide.

“Hindi ko naman talaga alam kung ano ang napag-usapan nila na kung ano ang na-provide at hindi.

“But exactly, that’s beside the point.

“We were there, ayoko naman na hindi ituloy. Kaya may option naman kung puwede nilang i-refund.”

Continue reading below ↓

Mabuti na lang at gamay na raw ni Ian ang banda nila kaya sa halip na walong kanta lang ang pag-aralan niya para sa concert, naging 15.

Kailangan niyang mag-perform mag-isa dahil wala na siyang ka-back-to-back.

Kaagad daw in-announce ng producer na wala na si Patti, kaya puwedeng mag-refund ng ticket kung gusto nila.

Awa ng Diyos, sabi ni Ian, yung halos 2,000 tickets na naibenta ay tatlo lang daw ang nagsoli.

“Ang nakakatuwa, puro Pilipino ang nagpunta roon. Sobrang sarap ng support ng mga kababayan natin doon.

“Parang nagkaroon ako ng confidence na kaya ko naman pala. Dalawang oras ako kailangan diyan,” dagdag na pahayag ni Ian.

Sa Vancouver ang concert na yun, at pupunta pa sana sila ni Patti sa Victoria at Calgary.

Ang ginawa ng mga Pinoy roon ay naghanap sila ng di gaanong malaking venue para matuloy lang ang concert dahil gustung-gusto nilang makita si Ian.

Continue reading below ↓

Napuno raw ang dalawa pang shows na yun na si Ian na lang ang nagpi-perform.

Doon napagtanto ni Ian na kaya na niyang mag-concert mag-isa kaya ipinag-produce na siya ngayon ng solo concert ng production ni Ogie Alcasid, ang Alcasid Total Entertainment & Artist Management, Inc.

Pinamagatang Ian: In Color, gaganapin ito sa Music Museum sa July 11 at 12.

Special guest ni Ian si Ogie sa July 11, at si Regine Velasquez sa July 12.

Mga '80s at '90s ang mga awiting kinakanta ni Ian, na talagang gustung-gusto niya, kaya mai-enjoy ito ng mga mahihilig sa mga ganoong awitin.

NOEL FERRER: Mukhang na-enjoy ni Ian ang instant approval at applause ng mga tao sa live performances kaya favorite guest siya nina Sharon Cuneta at Zsa Zsa Padilla sa kanilang concerts.

Let us see kung paano siyang mag-level up sa kanyang solo concert!!!

Good luck, Ian!

JERRY OLEA: Tunay na alagad ng Sining si Ian.

Continue reading below ↓

Bata pa lang si Ian ay isa na siyang pintor—bago pa siya naging child actor sa sitcom na Joey and Son kasama si Joey de Leon.

Marunong siyang maggitara at mag-piano. Gumagawa rin siya ng mga kanta.

Ngayon naman, kinakarir niya ang pag-awit.

Noong Pebrero ay isa siya sa Ambassadors ng National Arts Month.

Kabilang si Ian sa mga pinagpugayan sa 11th Ani ng Dangal para sa Cinema.

Wagas na artista si Ian!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results