Lorna Tolentino, pinalitan si Cherie Gil sa "Tita" project

by PEP Troika
Jun 20, 2019
PHOTO/S: Instagram / Facebook

JERRY OLEA: Fierce ang studio shot ni Lorna Tolentino na pinost niya sa Facebook nitong Hunyo 19, Miyerkules ng 5:01 P.M.

“Call me Tita. #iWant” ang simpleng caption ng premyadong aktres.

May kuwento sa likod ng post na iyon ni LT.

Nai-announce noong Marso na magbibida sina Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Joanna Ampil, Ice Seguerra, at Cherie Gil sa digital project na Don’t Call Me Tita, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Co-prod iyon ng Dreamscape at Heaven’s Best, di ba?

Originally titled Titas of Manila ang digital project.

Mas catchy ang title na Don’t Call Me Tita, na halaw sa nag-viral na hanash ni Cherie sa socmed.

Naurirat pa si Miss Cherie kaugnay roon sa StarStruck presscon noong Hunyo 10 sa GMA Annex Bldg., QC.

Bakit “Call me Tita” ang pasiklab ni Tita Lorna sa FB?

Stop me! Don’t me! (“Tigilan ako! Huwag ako!”)

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Huli na lang ipinasok sa proyektong iyan si Lorna Tolentino.

Wala akong ideya na siya ang ipinalit sa role na dapat kay Cherie Gil.

Ang alam ko lang, nagkausap sina Direk Andoy Ranay at Lorna tungkol sa role na gagampanan ng aktres.

Parang type naman ni LT na dapat ay tatlong araw ang shooting niya.

Hindi lang pumuwede sa schedule dahil bugbugan din ang taping niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya naging isang araw na lang at may dagdag na isang buffer day, at doon na rin kukunan ang voice-over.

Kahapon ko lang din nalaman na naging Call Me Tita na pala ang title nito.

Ang lakas pa naman ng dating ng Don’t Call Me Tita.

Kailangan ba, walang konek kay Ms. Cherie?

Masaya iyan kapag magpa-presscon na sila dahil tiyak na mauungkat iyan!

NOEL FERRER: Ibang klase kapag artists at magkakaibigan ang magkakasama sa isang proyekto.

Continue reading below ↓

It might just be na bombastic talaga ang mga ganap behind-the-scenes.

We wanna know, ano ba ang nangyari, bakit kaya nawaley ang 42nd Urian Best Supporting Actress sa proyektong ito?

Hindi naman puwedeng sabihin na dahil Kapuso siya dahil si Mylene Dizon ay may project ngayon sa GMA-7.

Magkakaibigan ang tropang ito. Saan pa ba hahantong ang lahat kundi ang magkaayusan ang mga Tita, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results