Direk Mel Chionglo, sumasakit ang ulo sa mga pasaway na filmmakers sa Cinemalaya

by PEP Troika
Jun 20, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: “Parang hindi pro!”

Iyan ang himutok ng beteranong direktor na si Mel Chionglo kaugnay sa ilang filmmakers na kalahok sa 15th Cinemalaya indie filmfest na gaganapin sa Agosto 2-13.

“Akala ko, hindi na sasakit ang ulo ko this year.

"Iyong short films na entries, maagang nag-submit. Pero iyong sa feature-length...” napapailing na sambit ni Direk Mel nang makatalamitam namin nitong Hunyo 19, Miyerkules, sa labas ng CCP matapos kaming manood ng Set A ng 15th Virgin Lab Fest: Titibok-tibok.

Si Direk Mel ay isa sa organizers ng Cinemalaya.

Pahayag pa ng beteranong direktor, “May maagang nag-start. May mga ganun.

"Aba! Meron pang nahuhuli. Nahuhuli... Nahuhuli!

“Noong isang buwan pa sila dapat nag-submit ng full trailer para magawa agad ang omnibus trailer.

“Kasi, two months dapat ipapalabas sa mga sinehan ang omnibus trailer.

"By June, showing na dapat ‘yan sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

“Sabi nga ni Laurice [Guillen] sa omnibus trailer na nagawa, ‘Apat pa lang ba ‘yan?’

“Ang usapan talaga, April, dapat tapos ka na lahat. Nai-submit mo na dapat lahat!

“Kumbaga, kami [organizing committee] ang masisisi kapag wala kaming ginawa para sa inyo, kaysa kayo ang sisihin dahil walang materyales!”

Ang ibang Cinemalaya 2019 entries ay may teaser o trailer na sa socmed, partikular sa YouTube at Facebook.

Pagdidiin ni Direk Mel, “You should cover all bases.

"Hindi ka lang nagyu-YouTube, nagsisinehan ka pa rin. Doon ka lalabas, e.”

Nationwide ang 15th Cinemalaya filmfest.

“Hindi ko alam ang exact number pero marami na.

"Hopefully, sa presscon in two weeks time, ma-announce na namin kung saan-saan lahat,” napangiting saad ni Direk Mel.

“Iyong Vista Cinemas, interesado na magpa-premiere ng Cinemalaya entry. Magse-set up pa raw sila ng Coffee Project.”

NOEL FERRER: Naku, ang alam ko ay ang Fuccbois ang huling nagsimulang mag-shoot... pero aabot iyan sa finals!

Continue reading below ↓

Yun nga lang, sana ay hindi na tumaas ang BP ng competition head na mahal nating si Direk Mel Chionglo.

Yes, nationwide na ang Cinemalaya kaya mas marami na ang makakapanood nito!

Exciting ang 15th year ng premiere Indie Filmfest, para rin lang ng 15th anniversary ng sinusuportahan din nating Virgin Labfest!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Wala kasing MTRCB rating sa socmed kaya doon muna sila naglalabas ng trailer kahit may puwet-puwetan.

Madali pang panoorin at libre kapag sa socmed mo panoorin ang trailer.

Kaya nahuhuli pa sa mga sinehan, na kailangan mo pang magbayad.

Pero bilang isa iyan sa mga patakaran ng Cinemalaya, dapat sundin.

Hindi maiwasan ang mga ganoong problema kaya ganoon po talaga, Direk Mel.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results